Patnubay
    
   
Save Password  / Forgot your password?
 
 All Forums
  Xtreme Chat
 Updates- Distress call of 10 Fishermen in Yanbu
  Printer Friendly Version  
Author Previous Topic Topic Next Topic  
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 07/04/2010 :  01:53:01 AM

On June 19, 2010 Patnubay.com wrote:

Problema : 10 OFWs na maninisid  sa karagatan ng Yanbu walang trabaho,
hindi nakatanggap ng sahod

Kahilingan:  Gusto nilang umuwi.

Mga Pangalan ng OFWs :

(note: the names might be misspelled, the philippine consulate/ jeddah should recheck/ 
or correct kapag mabisita at makakuha na sila ng mga documents.)

1. Redentor Hubahib,33, Married
2. Ronnie Maru, 43, Married
3. Felipe Batiancila, 45, Married
4. Oliver Perez, 33, Married
5. Isabelo Saluado, 28, Single
6. Jupiter Lawan, 24, Single
7. Generio Colis, 37, Married
8. Clifchard Mendoza, 27, Single
9. Jose Alforque, 41, Married
10.Arden Oncepido, 23, Single

note: walo ay galing sa Bantayan Island , cebu, 4 from mindanao,
and the rest are from cavite . Sa 16 na unang nagreklamo 10 lang
ang gustong umuwi.

(interview with felipe)

Sea-Based Visa or Land-Based Visa?
Hindi po sir, bale laborer at agriculture ang visa namin.

So land-based pero ang work nyo sa dagat? opo sir.
(first violation)

Papano kayo na hire ng employer nyo ?

Bale pumunta sya sa amin sir at naghanap ng maninisid. Legal naman
daw ang manisid dito sa yanbu gamit ang pana. Nagpatest dive pa nga 
sya sa amin kung totoong maninisid ba kami..

Anong Agency nyo ? Placewell po sir.

Sino ang employer nyo? xxxxxx  xxxxxxx  po.
Ano ang kanyang Telephone number ? 05xxxxxx
------------------------------------------------------------------------------------------

Anong problema ? 

Sabi kasi ng employer namin sir na walang problema kaso hinuli kami
ng coastguard kaya ngayon tigil ang trabaho namin at yong amo naman
namin ay hindi na kami sinipot.

Magkano ang sahod nyo ? Bale sir wala kaming sahod dahil ang usapan
hati kami sa kita.

Kumita naman kayo ? hindi nga sir dahil ibabawas naman ng amo namin
ang gastos nya. At ngayon hinuli pa kami ng coastguard.

Papapano kayo nakalusot sa poea kung wala kayong napagka-sundoang
sahod? Bale sir, pumirma lang kami ng contract na  400USD pero for formality
lang daw yon. (second violation ng agency / employer)

Sinaktan kayo ng coastguard ? hindi naman sir. Pero masyadong matapang
ang coastguard dito.

Nakakulong kayo ? Hindi naman sir, bale kinuha lang yong compressor na
dala ko. at yong pana na tinapon ko ay gusto pa ng coast guard na kunin ko.
eh kaso malalim eh.

Kailan kayo dumating ? ako sir nitong taon na to lang pero yong iba last
november pa sila dito.

Kumita ba ang amo nyo ? kumita naman sir siguro mga 7000SR bawat
buwan at bawat isang pumpboat. May 6 pumpboat kasi kami at nakailang
buwan na kami.

Natanggap nyo ang share nyo? hindi pa nga sir dahil kailangan  pang
babawiin ng amo namin ang kanyang nagastos. Bale naka cash advanced
naman kami sir.

Magkano ang nacash advance mo? ako sir mga 700SR  yong iba may
500SR.

Bawat buwan yon? hindi sir isang beses lang. so sa loob ng ilang buwan
ay 700SR lang natanggap nyo at utang nyo pa yon sa kanya? parang ganun
na nga sir. (3rd violation)

NagPDOS ba kayo ?  opo sir sa Manila .
Sinabi nyo ba na fisherman kayo pagdating dito ? oo sir, nagbiro pa nga
yong nagseminar sa amin na pusherman daw kami. 
 
Hindi ba kayo pinayuhan sa PDOS na alanganin or bawal ang pinasukan
nyo? hindi po sir.. sana nga nasabihan kami na bawal pala ito. para hindi
na lang kami tumuloy.

(note: pana (arrow / harpoon) is considered as a deadly weapon..also, 
if  the divers with PADI license ay may designated na place for scuba,
itong mga distress compressor divers ay kahit saan naman)

Saan kayo nagPDOS sa OWWA ? hindi po sir doon na sa agency ng
placewell po.

Ngayon may kaso kayo sa coastguard ? Hindi namin alam sir, pero

kinuha yong compressor ko dahil ebidensya daw yon. nilagay ko kasi

sa sako yong compressor at dinala ko sa laot.. kaso hinabol kami
ng coastguard.. at gusto  pa nga nila na sisisrin ko yong pana
para ebidensya daw. sabi ko ang lalim eh.

May mga filipino bang tumulong sa inyo ngayon ? Meron
naman po sir kahit remote na lugar ito. May mga tumutulong naman
sa amin. pero minsan ay nagugutom rin sir. Sila rin ang nagbigay ng
number  mo  sa amin. Si Rey yong taga STC na naassign sa yanbu.

(Pause : Talk with consul ausan on the phone)

Ano ang mga kahilingan nyo ?
1. Sir sana makausap ng ating consulada na pauwiin na lang kami
naghihirap na kasi kami.

May Iqama ba kayo ? opo sir may mga iqama kami . kaso hindi
nila hawak. ang sa akin (felipe) hawak ko dahil bumili ako ng hose
sa palengke.

Ano ang nakalagay na profession? Hindi namin alam sir, pero ang
sabi sa Placewell ay laborer/agriculture daw.

Pwede nyo bang ipapabasa yan ng marunong mag-arabic? opo sir.

Hindi kayo undocumented / takas : Hindi po sir may mga iqama po
kami.

Ilang oras ang inyong trabaho ? Sir halos oras-oras nasa laot kami.

wala kayong day-off? wala sir apat na araw kami sa dagat tapos dadaung
lang kami para magbagsak ng isda at kukuha ng permit sa coastguard.

Sa loob ng anim na buwan ganyan ang ginagawa nyo? opo sir.

Ngayon wala na kayong trabaho? Wala na sir, pinagsabihan kami ng
coastguard na kung uulitin pa namin ay magbabayad kami ng 5000SR na
penalty bawat tao.

Ngayon saan kayo nakatira? sir may accomodation kami, ito din binabawas
sa sa kikitain namin. 50 Riyals bawat buwan.

Maganda naman ang accomodation nyo? sir hindi to bahay sir. basura ito. 
Hindi makatao ang ginawa nila sa amin sir.

Reactions/ Suggestions..

1. Masyadong risky ang kanilang pinapasukang trabaho at kung may
mangyaring aksidente ay wala silang karapatan for social insurance
(free treatment and disability benefits ng GOSI) kung totoong
laborer / agriculture ang visa nila. Hindi sasaguting social
insurance kung mag-aaksident sa trabaho na iba sa hawak na visa.

Kung sakali ay fishermen taaga ang visa, fishermen din ang makalagay
sa Iqama at workpermit. Take note na ang fishermen ay hindi protected
sa provisions ng Saudi Labor Law, Social Insurance Law.

2. Hindi sila nagreklamo ng walang sahod or walang natanggap na
pera dahil sa kanilang kasundoan with their employer. Umaasa siguro
sila na sa katagalan ay maianggat ang business at makapagshare
sila ng malaki. Sa ngayon ay hindi na sila makapagsisid, nawala
lahat ang kanilang pag-asa sa partihan ng kita.

3. Although ang pagiging ignorante ay maituturing nating kamalian
kung ikaw ay mangi-ngibang bayan. Ang ginawa ng employer at  ng
agency na panglilinlang sa mga kababayang ito ay hindi katanggap-
tanggap. May batas at proceso tayo sa pilipinas na dapat sinunod
ng Placewell agency at ng employer na rin....
Natural lamang na kakagatin ng mga kababayang ito ang alok
dahil gusto nilang maiangat ang buhay ng kanilang pamilya. Kung
kung kulang man sila sa kaalaman sa proceso at batas, hindi natin
sila masisisi.. karamihan sa kanila ay nakatira sa isang isla na
masasabi nating malayo sa kabihasnan.. ( btw, i love bantayan island)

4.. Humiling sila na makauwi na lamang ..
We may request Congen Tago and the Philippine Consulate in
Jeddah for the assistance to these workers.. at sana  mapauwi sila
kaagad sa Pilipinas.

5. POLO-Jeddah (it could also be the other POLOs in KSA) ay may
pagkakamali din ng malaki dito. Papano nakalusot itong employer at
makapaghire ng fishermen sa atin kung binusisi nilang maigi ang
mga approved visas nito? Tandaan na kasama sa requirement ng isang
employer na gustong maghire ng workers ay dapat maapproved at maverify
ng POLO.

6. sa mga kasamahan sa adbokasya na may mga kakilala sa yanbu
ay maari po ba silang kausapin kung pwede ay matulongan ang
mga ofws na ito.. 

Maraming Salamat,
Ka Joseph

jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 07/04/2010 :  02:30:52 AM

Aming pasasalamat sa agarang pagtugon sa panawagan ng mga mangingisda ng tulong para sa kanilang pagkain atbp.

Mr. and Mrs. Fidel Aragon (at mga kasamahan ni Ka Fidel)
Mr. and Mrs. Reynaldo Ramon and Lenny Manayao
MR. ALIMUDIN and Family
Thursday Group Yanbu (thru Mr. And Mrs. Belmar Santos and Mr. and Mrs. Flor Siena)
Skyfreight Yanbu, kay Jerome, Omar at sa lahat ng staff ng Skyfreight Yanbu at Umluj
Mr. Joel Reyes ng Riyadh

Ang mga filipino sa Umluj,Yanbu na tumutulong sa pagbigay ng tubig at pagkain
noong hindi pa nakarating ang mga tulong, sina Mar Dimaano, Tata at iba pa na hindi
pa namin nakuha ang mga pangalan.

Thanks to Ka Ronnie Abeto at kay T2 Ranny Constantino na nanawagan sa mga
kaibigan at mga kasamahan na tulongan ang mga distress workers ng Umluj, Yanbu.

Mabuhay po kayo at Diyos na po ang magbalos sa kabutihan na ginawa nyo para
sa kapwa!

Patnubay.com

Go to Top of Page
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 07/04/2010 :  02:40:31 AM

Ang mga mangingisda at ang kanilang accomodation

















Mga biyayang pinaabot ng mga kapwa Filipino, gaano man kalayo ang Umluj.

 


Go to Top of Page
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 07/04/2010 :  02:46:46 AM
Kasalukuyang nakipag-ugnayan si Dr. Romualdo Exmundo ng POLO-Jeddah sa employer at sa 
recruitment agency na Placewell para sa madaliang pag-uwi ng mga workers.

10 out of 16 ang gustong uuwi at 6 ay gustong mananatili at hiniling na matransfer ng employer.

(Take note na may bagong batas na hindi pwede makatransfer ang isang worker sa ibang employer 
kung hindi ito makakatapos ng 2 years sa current na employer).

Patuloy tayong makatutok hanggang sa maresolba ang problemang ito. Hiniling din
natin sa ating pamahalaan na maging mabusisi sa mga employers at recruitment agencies na
gustong magpapadala ng workers dito.

Gimboy "TAS" Espiritu Go to Top of Page
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 07/11/2010 :  10:05:28 PM
Pasasalamat sa patuloy na pagsusuporta

First Batch ng Tulong

Mr. and Mrs. Fidel Aragon (at mga kasamahan ni Ka Fidel)
Mr. and Mrs. Reynaldo Ramon and Lenny Manayao
MR. Alimudin Bancula and Family
Thursday Group Yanbu (thru Mr. And Mrs. Belmar Santos and Mr. and Mrs. Flor Siena)
Skyfreight Yanbu, kay Jerome, Omar at sa lahat ng staff ng Skyfreight Yanbu at Umluj
Mr. Joel Reyes ng Riyadh

Second Batch ng tulong

Cristal Global Company Workers (thru Jayson Castillo)
SWCC - Yanbu KSA
Mr. and Mrs. Fidel Aragon (at mga kasamahan ni Ka Fidel)
Mr. and Mrs. Reynaldo Ramon and Lenny Manayao
MR. Alimudin Bancula and Family

at ang mga Filipinos ng Umluj, Yanbu  na umaalalay palagi
sa mga workers , sa tubig at mga pagkain.


Mario Dimaano
Placido Antipala
Tata of Bohol 
Boboy of Navotas
Romeo Carao of Pizza hut
Joseph of SCECO

Gimboy "TAS" Espiritu Go to Top of Page
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 07/13/2010 :  12:47:48 AM

Allow me to trace kung saan ang pagkakamali dito 

1. As per procedure ng POEA at procedure na rin ng POLO sa mga posts. Ang isang employer
na gustong maghire ng workers sa atin ay kailangan dumulog sa pinakamalapit na POLO for 
verification purpose.  Kasali sa dapat maiverify ay ang mga sumusunod :

a. Approved Visas - ito yong available visas na nakuha ng employer sa Saudi Government  at
gagamitin nya sa workers na mahire sa atin. Nakalagay dito kung ano ang trabaho/ profession
at nakalagay dito kung para sa ilang tao ang visas.  Dito pa lang ay nakita na sana ng ating POLO
na fishermen ang visas ng mga workers. Kahit arabic ito ay marami namang translator sa ating 
POLO.

b. Salary Bracket - Titingnan ng  POLO kung pasok sa Salary Bracket  ng isang specific na trabaho/
profession ang offer na sahod ng employer. Dito malinaw na hindi pupwede ang profit sharing.
At hindi pasok yong sinabi ni Dr. Exmundo na "hindi naman sila pinipilit or tinututukan ng baril
para pumirma". Mali dahil may procedure na dapat nasunod. At dapat maituwid mismo ng POLO.

c. Kasama sa consideration sa pagverify if ang trabaho ay pasok sa Saudi Labor Law. Hindi 
man siguro mangmang ang POLO at alam nila na hindi kasali sa Saudi Labor LAw ang 
fishermen.

2. Papano nakalusot ang mga workers sa airport kung ang visa nila ay Fishermen ? Again hindi
kasama ang fishermen sa mga approved jobs for KSA at dapat sa airport pa lang ay naharang
na ito. Gumawa ng deception ang agency at ang naisubmit sa POEA standard contract, nakalagay
doon na ang trabaho ay laborer / agriculture at may salary.. Makikita mo dito ang panlilinlang sa
mga innosente na workers. 

If sa sariling bansa natin ay niloloko na ang mga workers, if ang agency or ang sangay ng gobyerno
natin ay nanloko na sa workers. Ano ang inexpect mo sa treatment ng employer pagdating ng 
mga workers dito?

NAABUSO!

And since our POLO ay kasama sa problema or sabihin natin na ugat ng problema  ano ang inexpect 
mo na tulong mula sa kanila? Ang pagiging biased towards the employer. 

Kaya minabuti po namin na nairequest sa umpisa pa lang na kung pwede our Consulate in Jeddah
ang maghandle ng case at hindi ang POLO.

The workers will be home soon. they are empowered, they are being helped by concern Filipinos 
na tumutulong ng walang hiniling na kapalit. The workers will be home soon and they can file a
case against Placewell Agency.

ito lang po muna and God bless you all!

Ka Tas




Go to Top of Page
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 07/23/2010 :  11:14:09 PM
Maraming salamat  

kay Bro Hussain Rubio, 
kay Bro Abdulhalik 
Kay Bro A'abed Abadejos
at sa lahat ng taga Islamic Center (Dawa)  ng Yanbu 

sa pagtulong sa sampung mangingisda.

Gimboy "TAS" Espiritu Go to Top of Page
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 07/25/2010 :  05:49:53 AM

Email Exchanges with Dr. Exmundo  -  Please Read

--- On Tue, 6/29/10, Romualdo Exmundo  wrote:
From: Romualdo Exmundo
Subject: Re: Fw: RE Pahabol POLO Visit : : Distress call ng 16 OFWs na maninisid sa
karagatan ng Yanbu
To: Joseph Henry Espiritu
Date: Tuesday, June 29, 2010, 2:20 AM

You have plenty of queiry and as expected would require a lengthy time to have them
expounded. Kindly visit our office or give me a call at 05692XXXXX
Doc Exmundo

--- On Tue, 6/30/10, Joseph Henry Espiritu  wrote:
From: Joseph Henry B. Espiritu
Subject: Re: Fw: RE Pahabol POLO Visit : : Distress call ng 16 OFWs na maninisid sa
karagatan ng Yanbu
To: "Romualdo Exmundo"
Date: Wednesday, June 30, 2010, 12:58 AM

Dear Dr. Exmundo,

Maraming salamat sa pagsagot ng aking tawag kahapon at sa karagdagang
information tungkol sa mga workers na iba pala ang kanilang mga kafil.

This email is between us only and I hope you understand na like you, my
only concern is to help the workers.

Meron lang sana ulit akong suggestions at sana pagtuunan nyo rin ito ng pansin.

1. You mentioned that you might be going to file a case sa Saudi Labor. i had
a discussion with our partners in Advocacy na mga saudis last night at pareho
kami ng iniisip.

- as i had mentioned po, hindi talaga pasok ang fishermen sa Saudi Labor Law.

Kahit tatanggapin pa ng Saudi Labor Office ang case, pero the employer or
his lawyer has the right to question "bakit dito tayo sa saudi labor office
samantalang hindi naman nila sakop ang fishermen"..

2. I mentioned Emara "Governor's office".i understand na matagal kung
ang embahada or POLO ang magsubmit ng letter sa emara dahil ipapadaan
pa ito sa Ministry of Foreign Affairs. Pero if ang worker magsulat ng letter
ay pwede ng idiritso sa emara. Sasabihin nila ang violations ng employer
against their rights, ang violations ng employer against the laws of Saudi
Arabia. And importantly their requests to be repatriated. these will be
supported by important documents (coastguard, visas, Iqamas) and the
pictures and videos taken...

It must also be stated in the letter that fishermen are not protected
by the Saudi Labor law and that these workers must be deported
as soon as possible.

If in case the Emara will refer the case to Saudi Labor then the
employer or their lawyer cant question the technicalities dahil
the order comes from the emara..

What are violations of the employer to human rights?

a. Yong walang sahod na natanggap at napadala sa pamilya for 6 months
b. Yong insult, yong mga bagay na nagpapaba sa dignidad ng kanilang
pagkatao, dito at sa Pilipinas.
c. Yong panlilinlang na ginawa ng employer, at kafil. na hindi nila alam
na bawal pala ang uri ng kanilang trabaho na humantong sa pagkahuli ng
coastguard.

What are the violations of the employer to Saudi Laws?
a. As I had said since hindi sila kasama sa Saudi Labor Law, we must
focus sa Iqama and Visa violations. Iba ang employer dito at ang
naghire sa Pilipinas ay pareho. pero ang kafil sa Iqama ay ibang tao..

Please check points 21, 22, and 28 of Visa and Iqama Violations Penalties.
(see attached)

common sa tatlong points na yan, the worker must be deported to
his home country..

3. Yanbu, is part of the Governorate of Madinah..(not Makkah as I had
earlier stated). May i suggest kung okay lang sa yo ay may kasamahan
ako sa human rights na Saudi, he is the head namin sa Independent Human
Rights sa buong middle east. Malaki ang maitutulong nya sa case na ito,
though you have to discuss with him about this case.. His name is
Engineer Abdullah Sabig. mobile number 0504xxxxxxx.. note the mobile
number is not for disclosure.. you may tell him that you are from polo
and that I gave you his number. I am sure that he can help you in many
cases in the future.

Joseph

------ 
On Thu, 7/1/10, Romualdo Exmundo  wrote:

From: Romualdo Exmundo
Subject: Re: Resending: : Distress call ng 16 OFWs na maninisid sa karagatan ng Yanbu
To: "Joseph Henry B. Espiritu"
Date: Thursday, July 1, 2010, 2:56 AM

Am making a report and had a meeting with the employer. Fisherman is not among those
jobs listed per category in POEA for overseas placement so that the Agency
circumvented the requirement by submitting laborer agriculture as their job for approval
at POEA. This is the root of all these problems. Both the workers and employer were
misguided by the agency. The employer had spent substantial amount of money abd said
should he was sent the right kind of worker both of them have the potential of making
money. We have used your suggested intervention in the past to make us aware that such
would require a longrer time, lots of errands on top of our very lean manpower, more
patient and understanding especially from the worker and their family. The employer
admitted that the reason of having differenr KAPIL is for visa purposes hence one person
could only be issued as much. It is also difficult to transfer them because of the limited
application of their work FISHERMAN in their visas. The employer identified Felipe as
the only one who has the appropriate skills for the job and wondering why those he had
picked were not sent by the agency and these workers who decided to come were also
aware of their job and the type of compensation arrangement and why did they came. I
suppose they were not forced nor poke with a gun for them to come over. Please send me
your number asI failed to save it after we finished talking. I will work on this and would
initially deal with the Agency hoping they will reimburse the deployment cost of these
workers for them to be able to return to the Philippines sooner. The employer said, he
will not recover his visa if they are sent home. Am praying that I will find a faster way
towards the resoluion of this case. Thanks.




----------------------------------------------------------------
Patnubay References : 

Transfer of Sponsorship - Effective April 15, 2010 an employee cannot transfer sponsorship
unless he has completed TWO years with his current sponsor. 

Take note that prior to that email exchanges with Exmundo sa taas nag-usap kami sa phone
at nag-insist sya na pwede matransfer. I told him na lumabas na yan sa news last March 
na hindi pwede matransfer. Talagang nagpupumilit siya na pwede. Pero sa email dyan sa taas
sinabi nya na hindi pwede ang transfer pero iba naman ang kanyang rason.. 

News Link : http://arabnews.com/saudiarabia/article34382.ece

And sa parehong phone conversation, nag-insist si Exmundo na covered sa Saudi Labor LAw
ang fishermen. Ang sagot  ko ay ang provision ng Saudi Labor Law na nasa baba. Hindi pa
rin sya maniniwala dahil akala nya mas may alam sya kaysa atin. 

Article (7):

The following shall be exempted from the implementation of the provisions of this Law:

(1) The employers family members, namely, the spouse, the ascendants and descendants who 
constitute the only workers of the firm.
(2) Domestic helpers and the like.
(3) Sea workers working on board of vessels with a load of less than five hundred tons.
(4) Agricultural workers other than the categories stated in Article (5) of this Law.
(5) Non-Saudi workers entering the Kingdom to perform a specific task for a period not exceeding two 
months.
(6) Players and coaches of sports clubs and federations.

The Ministry shall, in coordination with the competent authorities, draft regulations for domestic helpers 
and the like to govern their relations with their employers and specify the rights and duties of each party 
and submit the same to the Council of Ministers.

Go to Top of Page
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 07/25/2010 :  06:01:54 AM

Transcript of our Phone Conversation with Dr. Exmundo

From: Joseph Henry B. Espiritu
To: PAtnubay.com, Pusong Mamon, Center for Migrant Advocacy - Manila
Sent: Sun, July 4, 2010 1:09:27 PM
Subject: Do not forward : Phone conversation with doc exmundo re 16 fishermen

For documentation : not for disclosure until posted in patnubay.com

July 4, 2010 2:30 pm (Saturday)

Mode ng pagbasa : friendly conversation ..

doc anong balita? hayun nakausap ko ang agency kahapon
(friday)

Ang sabi ko sa agency kung gagawa ako ng sulat at
iendorse ko parang nakikita ko masasarado kayo dahil
malaki talagang kasalanan ang nagawa ng agency nyo.

ano po ang sabi ng agency? hiningi nila ang expenses
na naiclaim ng employer.

ano naman sabi naman ng employer? willing daw naman
tumulong ang employer joseph. kaso may problema sya
sa pagkukuha ng visa.. hindi pala ordinaryong visa yon
ibang klase ang visa ng fishermen .. kung mawawala
sa kanya ito hindi na sya makakuha ng visa ulit.
mahihirapan na sya makakuha ng workers.

gumastos din naman ang employer joseph ng substantial amount
dahil gusto nyang kumita at feel ko rin na gusto nya ring
kumita ang workers.

wala ngang kinita ang mga workers sa loob ng 6 months
sir, at sabi pa ng mga workers yong employer nila kung
tutuusin ay bawi na sa ginastos nya sa agency. dahil
kumita naman sya ng malaki. eh kung totoong concern 
sya sa workers, bakit ganun ang accomodation nila at 
parang hayop ang trato sa kanila?

Sinabi ko naman sa employer na palalagyan ng aircon
at nag-agree naman ang employer. kaso itong mga workers
naman ang ayaw. siguro gusto na nilang umuwi.

Papano pa ? dapat noon pa sana yan sir. kung hindi
pipiyok ang mga workers at may taga polo, ay saka
nya papansinin at parang ang dating pa sa inyo ay
okay sya.

irrelevant an kasi yan joseph dahil ang gusto ng mga
workers ay makauwi na lang pero kawawa naman itong
employer dahil as he said, gumastos sya at mahirap
na syang makakuha ng visa ulit.

Meron pa nga siyang mga visa sa agency daw na hindi
pa nagamit, 20 visas daw lahat yon. ang sabi nya hindi
daw pinadala ng agency yong mga taong napick nya
sa Pilipinas.

Sir, tinanong ko po yong mga tao at sabi nila sila lahat
ay nagtest diving pa doon sa bantayan.

Yon nga ang sabi ng employer, ewan ko kung totoo or
ano ang reason nya behind bakit nya sinasabi yon.

eh papano yon sir hindi naman kasama sa POEA as
approved jobs for KSA ang fishermen. at alam naman
naman natin na subject for abuses din dito dahil
hindi kasama sa Saudi Labor Law. At alam naman
nati na strict tayo sa policy ng POEA.. lalo na kayo
na sa POLO ay talagang susundin ito.. may lapses na 
ang paghire ng workers,ngayon hahayaan ba natin ito 
na magstay ang workers dito?

hindi rin naman pinipilit itong mga workers na pupunta dito
joseph, malalaki na sila at kusa silang pumirma ng kasundoan.

oo nga sir, hindi sila pipinipilit pero dahil sa kanilang
pagiging inosente at walang alam sa proceso, ay
nagtake advantage naman itong employer at agency.
dapat nga bayaran ang mga workers na ito sa damages
na naranasan nila. at kayo naman sa POLO ay dapat
maipaglaban ang kanilang karapatan at hindi lang uwi.


yon na nga, nakausap ko itong employer sa phone.
pero hindi ko kasi alam kung makipagmeet ako sa
kanya. dahil ang gusto nya ay pupunta ako sa bahay
nya. parang improper kasi.

unethical yon sir.

hindi unethical yon, bakit unethical ?

sya dapat ang pumunta sa consulate at doon kayo
magusap..

kaso ayaw nya nga joseph eh. yon ang problema
ko dahil ayaw nyang pupunta ng consulate.

Sir papano naman ang karapatan ng mga workers
na magfile against sa agency ?

pwede naman silang magfile pagdating nila sa Pilipinas.

Eh kaso, isa sa condition ng mga agencies ay
papayag silang irefund yong employer, at sagot
nila ang pagrepatriate ng mga workers.. kung may
pipirmahan ang mga workers na hindi sila dapat
magfile ng kaso sa Pilipinas. Darating sa point na
pipirma talaga ang workers para lang makauwi.

Joseph jurisdictional naman tayo no, kung ano ang
napirmahan dito, ay hindi na pwedeng magagamit
sa Pilipinas.

Papano kung ang pinirmahan sir ay nangyari sa
consulate, hindi pa rin magmatter yon ?

Kung pipirma sila sa consulate then magmatter
talaga yon, dahil ang consulate considered as
Pilipinas din yon pero ang layo naman nila.

Papano kung may stamp ng consulate sir?

Joseph hindi pa naman nangyayari yan no. pero may
right ang worker na magfile ng kaso doon sa agency.

okay sir, i will tell the guys to put "under duress" if
kailangan talaga nilang pumirma dahil sure ako
magmatter ito sa Pilipinas.

Go to Top of Page
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 07/25/2010 :  06:15:31 AM

--- On Sun, 7/11/10, Joseph Henry B. Espiritu  wrote:

From: Joseph Henry B. Espiritu
Subject: Request for Case Report : Re Filipino Fishermen in Umluj, Yanbu
To: "Romualdo Exmundo" , POLO JEDDAH, Ezzedin Tago, OWWA Manila, POEA Manila , POLO JEDDAH, Ezzedin Tago, OWWA Manila, POEA Manila
cc: Patnubay.com, Pusong Mamon, Center for Migrant Advocacy
Date: Sunday, 11 July, 2010, 4:25 AM

To : Dr. Romualdo Exmundo
Welfare Officer , POLO Jeddah

cc: HE Ezzedin Tago

Consul General, Philippine Consulate in Jeddah

Consul Leo Tito Ausan Jr.
Philippine Consulate in Jeddah

OWWA, Manila
POEA, Manila

Subject : Request for Case Report - Re Filipino Fishermen
in Umluj, Yanbu

Dear Welof, Dr. Exmundo

Sir, We would like request for the Case Report:
1. Assessment of the case
2. Updates of the Case
3. Actions Taken by your office
3. The Assistance rendered by your office towards the workers.

Thank you and God bless,
Joseph Henry Espiritu
http://www.patnubay.com

--- On Wed, 7/14/10, Romualdo Exmundo  wrote:

From: Romualdo Exmundo 
Subject: Re: Request for Case Report : Re Filipino Fishermen in Umluj, Yanbu
To: "Joseph Henry B. Espiritu" , POLO JEDDAH, Ezzedin Tago, OWWA Manila, POEA Manila
cc: Patnubay.com, Pusong Mamon, Center for Migrant Advocacy
Date: Wednesday, July 14, 2010, 10:15 AM

My report has been submitted using our inter office policy and procedure. It is
classified then as an official information after its submission. Please make an
appropriate request to DFA should you want to have a copy of my report.
Thank you.


--- On Fri, 7/16/10, Joseph Henry B. Espiritu  wrote:

From: Joseph Henry B. Espiritu
Subject: Re: Request for Case Report : Re Filipino Fishermen in Umluj, Yanbu
To: "Romualdo Exmundo" , POLO JEDDAH, Ezzedin Tago, OWWA Manila, POEA Manila
cc: Patnubay.com, Pusong Mamon, Center for Migrant Advocacy
Date: Friday, 16 July, 2010, 1:59 AM

Dear Dr. Exmundo,

I just wish to inform you that it was us who gave you the information about
the fishermen. It was we who ask assistance from your office about these
workers.

We need that report para may maipakita naman kami sa mga workers
na may ginagawa naman kayo. From the start you were not transparent
sa mga workers kung may ginawa ka ba or ano ang iyong gagawin. Maybe
with that report, the workers may trust you or the POLO.

By the way it was recorded (mp3) during your first visit in Umlujj, you were
telling the workers that you are a friend of the employer and you were even
bragging na palagi kang binigyan ng isda. Good for you nakikain ka sa huli ng mga
workers na pinaghirapan nilang huliin na hindi man lang silang kumikita.
You and the POLO must also answer this question. Sino sa inyo dyan sa
POLO ang nagverify at nagapprove na makapaghire ng fishermen..

samantalang nakalagay naman sa approved visas ang fishermen trabaho?

Sa tuwid na landas na po tayo, bago na ang presidente natin.. magbago na tayo.

MAraming salamat,

Joseph

--- On Thu, 7/15/10, Romualdo Exmundo  wrote:

From: Romualdo Exmundo
Subject: Re: Request for Case Report : Re Filipino Fishermen in Umluj, Yanbu
To: "Joseph Henry B. Espiritu" , POLO JEDDAH, Ezzedin Tago, OWWA Manila, POEA Manila
cc: Patnubay.com, Pusong Mamon, Center for Migrant Advocacy
Date: Thursday, July 15, 2010, 4:44 PM

I have already replied to you regarding the report you are requesting. Kindly check
your recorder for it might be broken, defective or you could have activated its option
to lie. I pray to God so your recorder will stop its lie. I have not met their employer
until after I visited them on June 28,2010. I have not received nor plan to receive any
fish from their employer.

Our long and over 500 kms one way trip with the intention to provide the needed
assistance not once but twice is a glaring manifestation of our loyalty to our oath of
duty as public servants. We have done our best to serve with, dedication, honesty,
integrity and honor with our previous president and we must persevere or serve better
with our new President. We are aware that the success of our new President is our
collective success as a Nation. We are also aware that like an orchestra we have to
unselfishly play our part in harmony with others in order to collectively make a
beautiful music for the whole world to hear.

Let us avoid the pitfall of cynicism if our intention is to walk on a straight path
towards a meaningful destination. On a clear day we can see forever.

--------------
From: Joseph Henry B. Espiritu
Subject: Re: Request for Case Report : Re Filipino Fishermen in Umluj, Yanbu
To: "Romualdo Exmundo" , POLO JEDDAH, Ezzedin Tago, OWWA Manila, POEA Manila
cc: Patnubay.com, Pusong Mamon, Center for Migrant Advocacy

Dear Dr. Exmundo,

A very pleasant day to you.

The workers themselves made use of their cellphone recorders when you had
a face to face conversation with them. I hope that it is clear to you now that
it was not me who recorded what you had told to the workers (re your
special relationship with their employer).

The statement of the 10 workers is enough for me to believe them. The mp3
files that they have; are sufficient evidences that you are the LIAR here.
Do not count the distance that you had travelled as help. The workers needed
resolutions, actions and results.. These__, you have failed.

To All, please find the attached word documents;

1. Our email exchanges with dr. Exmundo
2. The transcript of our phone conversation

I kept these between the group but I think this is the proper time for you guys to
have it. Dahil ayaw naman magbigay ng case report ni Dr. exmundo sa amin.
We in patnubay.com always stick to the principles of Truth, Fairness and Justice.

Tayo na sa tuwid na daan,

Joseph

- wala ng sagot si exmundo after sa email na ito. The mp3 files will be uploaded
to rapidshare.com  and the links will be posted here...

Go to Top of Page
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 07/25/2010 :  06:34:50 AM

--- On Sat, 7/17/10, Joseph Henry B. Espiritu  wrote:
From: Joseph Henry B. Espiritu
Subject: To Congen Tago: 10 Fishermen in Yanbu
To: "Ezzedin Tago" , Leo Tito Ausan,
cc: Ronnie Abeto, Yanbu Filipino Community
Date: Saturday, July 17, 2010, 2:33 PM

Dear Congen,

In behalf of the ten fishermen, I personally request again the ATN to assist
the 10 workers.

I still believe that the consulate is the appropriate office to handle the case
of these workers; for reasons that I already had mentioned in my previous
emails (related to this case).

Katulad ng sinabi ko noon ng una naming maireport itong kaso sa inyo, Im sure
that only the ATN can handle this case well. Sirs, I promise na once hahawakan
nyo na ito, wala na kayong mababasang email sa akin tungkol sa kaso na ito.
Dahil sa naniwala ako na your office can resolve this case. (Unlike sa unang
humawak).

The workers are empowered, they know their rights are violated. They need
someone who will REALLY help them fight for these rights; based on Immigration
Laws (Iqama and Visa violations) or on the Saudi Labor Law (where the
fishermen are not included) or based on Human Rights Law.

The workers already went to the Emara, where their complaints were attended.
It was then forwarded to the Saudi Labor Office in Yanbu. This morning
they went to SLO and they will be back again tomorrow. Baka sa Monday
mag-attend na rin ang employer. Nagawa nila ito in a short time at hindi
katulad sa paghihintay nila ng isang buwan doon sa Umlujj.

Kaya naman itong maipaglaban ng mga workers at sa tulong ng filipino
community na yanbu. pero napakagaan po sa kanila kung may consulate na
kasangga. Kung nandyan kayo na masasandalan at alam kung totoong
tutulong at hindi sa salita lang.

Uulitin ko hindi na ako makikialam pa sa kaso na ito kung ang ATN ang
hahawak. Dahil alam ko mula ng andyan kayo Congen at si Consul Ausan
ay straight na ang takbo ng konsulada.

Please tell Consul Ausan na naintindihan ko kung ano man yong narinig
ko ng may kausap sya sa phone last friday. Masakit man pakinggan, alam
ko kasama yon sa trabaho nyo.

We are hoping for a consulate official na makasama sa mga workers on
monday sa paghaharap nila ng kanilang employer.

Mabuhay po kayo at maraming salamat,
Joseph


2010/7/20 Joseph Henry B. Espiritu

Dear Congen and Consul Ausan,

We had a long talk with Consul Ausan re my request for the Philippine Consulate to handle
the case of the 10 fishermen. Consul Ausan asked me to "hold back my punches" and he
promised to get back to me within a day. It has been three days na at wala pa akong natanggap
po na updates.

Kanina nasa labor office ng yanbu ang mga workers at naconfirm na today naiforward na
yong case nila sa Alwajj. They tried to talk na kung pwede mailipat sa yanbu ang sabi ng
moder daw doon they may request sa awlajj, na kung pwede sa jeddah ang hearing dahil
nandyan naman ang ating consulate.

Sirs, It won't be safe for them to stay again in Umlujj or in Alwaj. The risk sa health
(pagkain, shelter, etc) at sa safety nila (risk, threat and harassment). Kung naharass sila
before at napilit pumirma yong isa ay ngayon pa kaya na may kaso na. Another factor is
kailangan nila ng interpreter , Jeddah is too far at given naman na hindi kaagad makapunta
ang interpreter ng POLO. May isang brother tayo na Tausog na marunong mag-arabic na
willing mag-translate kaso ang pagtravel naman ang problema dahil nasa yanbu ito..
Sirs, again I will be knocking sa door ng consulate, na kung pwede ay hindi ang POLO ang
maghandle nito. Or worst scenario at POLO pa rin ang bagsak, wag na lang si Exmundo.
The workers has the right to choose. We need to get their trust again.

The workers had talked with the owner of Placewell today. The owner of Placewell gave
the name of the official ng POLO Jeddah na nagapproved. I know na alam nyo na kung
sino yon. So, bakit pa natin ipagsasapilitan ang serbisyo ng isang tao na alam natin ay
hindi na fair dahil may pinoprotektahang interest. Same question can be applied to POLO.

I just want to make it clear na it was the worker's decision na hindi pupunta noong
nagrequest si Exmundo na magpapunta ng 3 workers sa kanyang hotel sa Umlujj. In fact,
sinabi ko sa kanila na pumunta doon. Ang workers ang tumanggi dahil malalim na ang gabi
at may phobia na sila sa mga nagdaang araw.

To recall on July 4, 2010 ; Pumunta doon sa accomodation ang kafil ng isa sa mga workers.
Pilit nyang papatrabahuin (mangisda) si Ronnie. Tumanggi si Ronnie, tinakot sya na ipapahuli
ng police. I called Exmundo, at ang sagot nya ay "kakausapin nya si Alwani". Sabi ko bakit
doon ka tatawag samantalang nandon ang threat sa Umlujj. I texted Consul Ausan na kung
pwede makaprovide ng Interpreter at makatawag para kausapin yong kafil. Tumugon naman
si Mr. Buhkari pero wala na doon ang kafil na nangakong babalik.

Bumalik pa ulit ang kafil sa gabi, gumawa kami ng sulat ng kanilang mga hinaing at
pinatranslate kaagad natin to Arabic at naitext ko sa mga workers sa kanilang cellphone
para kung may police ay alam ang kanilang mga reklamo. Good that our sudani friend ay
nagtranslate kaagad kahit 10 pm na.

July 5, 2010, Bumalik kaagad ang kafil at galit na galit. at dapat daw magwork si Ronnie
sa kanya dahil hindi naman si Alwani ang kafil kundi siya. I asked them to call buhkari .
it was early morning and buhkari told them he's not aware of the case dahil sa POLO ito.
Tumawag daw sila kay Dr. Exmundo pero binabaan sila. Tumawag sila sa akin, and I had
no choice but to talk to the Kafil. I told him na it is illegal na iba ang employer at iba ang
kafil at may penalty yan sa batas. Umalis ang kafil at then hindi na sya bumalik.
By this time, yong mga kakilalang filipino sa Umlujj na may email ay naiprint na rin yong
naitext ko sa mga workers na ipapakita sa police kung may huhuli sa kanila. If makita nyo
yong pinadala ni Larry Cabago sa inyo na sulat for the Governor of Madinah. nasa pinaka
last na yata na page na may number. yan yong pangdepensa nila sa police noong may
threat sa kanila at ng pinatayan sila ng cellphone ni Exmundo.

July 6, 2010, Hapon, Tumawag si Felipe at sabi ay nakuha daw si Ronnie at pinasakay
ni Mohammad at dinala sa office. I told Felipe bakit hindi kayo sumunod at baka nakapirma
na yon ng anong arabic Document. Sabi nya tumawag daw sila muna kung ano ang gagawin.
I asked them kung tumawag ba sila kay Exmundo ang sabi ay di daw sumagot. Tumawag
daw si Buhkari pero late na nakapirma na si Ronnie. Dito pa lang makikita mo na mas
proactive ang consulate. Thanks to consul ausan.

Nang sumunod ang mga workers doon sa opisina ay nakasalubong nila si Ronnie, at
nakapirma na daw, pilit nyang tumanggi pero dahil sa takot ay nakapirma daw sya at
binigyan sya ng 180Sr para daw sa share nya for 8 months. From here kita ko na yong
takot ng mga workers, kalahati ay sumunod kay ronnie, pero yong iba nagpaiwan sa
bahay dahil natakot. At this point, medyo may gulo ng kunti, sisihan at tampuhan.
Which nasettled naman kaagad dahil sinabi ko sa kanila na if hindi sila titigil at
magkaaway-away ay iiwanan ko sila.

I texted dr. exmundo na may napirmahan ang worker at kung pwede ay maitanong
nila sa office kung para sa ano yon. No response.. The workers too texted Exmundo
walang sagot. Mayamaya tumawag si Buhkari at tinanong ang number ng office. I have
no idea kung natawagan nya or hindi. Pero ang pagtawag ni Buhkari ay napakalaking
bagay na sa workers na may masasandalan sila.

Again, I understand buhkari's limitation dahil hawak ito ng POLO. pero exmundo's
inactions kahit pagsagot sa time ng kailangan ang dahilan kung bakit nawalan ng tiwala
ang mga workers. Pero kahit ano pa man, dinedepensa ko pa rin sa mga workers
ang consulate.

July 7, 2010 Tumawag daw si Exmundo sa mga workers at sinabi na may ginawa syang
action. at hindi daw nya style na ipaalam kung ano ang ginawa nya. (We need to be
transparent sa mga workers / we need to empower the workers dahil sila naman ang nasa
frontline nito). Exmundo then asked the workers to write their complaints as individual at
ginawa naman ng workers.

Sa hapon, tumawag daw si Exmundo sa kanila at sinabi na may good news pero di nya
muna daw sasabihin. Although transparency is important, masaya ang mga worker ng
marinig yon from him.

Then come 10pm.. tumawag daw si exmundo sa kanila at sabi "punta kayo dito sa hotel
dahil baka makita ako ni Mohammad, kung pwede tatlo lang kayo"
The workers called me at sabi ko, sige punta kayo. They were too hesitant .. kaya
sabi ko wait, magtext ako kay consul ausan na bakit ganun. Tinawagan ko sila ulit pero
natanggihan na nila si Exmundo at nasabi nila na kay Consul Ausan at Congen Tago na
papano mo kami maprotektahan kung ikaw mismo ay takot din sa employer
namin. (Katulad ng unang pagpunta ni Dr. Exmundo sa Umlujj ay nairecord din nila ang
usapang yon sa telepono).

At this point I had no choice but to create a text message para mas maexplain nila ng
maayos ang kanilang gustong maiparating. Which they forwarded to Exmundo and to
Consul Ausan.. and Congen Tago's mobile.

Exmundo left Umlujj, siguro na hurt ang feelings.. but as public servant who are sent
by our government to serve the ofws, dapat sana before sya umalis ay pinuntahan
nya ang accomodation at kinausap muli ang mga workers.

These sequence of events, prompted us to make a letter for emara. pinabasa at
pinirmahan din ng mga workers at ng madala nila sa emara ay naaccept naman sila
kaagad.. Doon din nila nalaman na may letter na si Exmundo din doon sa emara
at naiforward na sa Saudi Labor. Pinahabol ng emara ang complaints ng mga workers
sa Saudi Labor at ito ngayon ang kasalukuyan.

Consul and Congen, alam ko na alam nyo kung sino ang tama at mali dito. Alam
ko rin as Consul General you have the right to intervene kung di maayos ang ginawa
ng POLO. like you always did before. If dati ay mali lang sa paghandle ng POLO.
ito pa kaya na mali ng POLO ang pagpunta ng mga workers dito thus may
conflict of interest kung sila ang hahawak.

Sa ngayon, palaging tumatawag ang placewell sa mga workers at sinasabi na nakiusap
daw yong employer sa agency, na pabalikin ang mga workers at yong pamilya
sa pilipinas ay bigyan daw ng pera.

Ito lang po sa ngayon at Maraming Salamat as usual.
Joseph


--- On Tue, 7/20/10, Ronnie Abeto wrote:
From: Ronnie Abeto
Subject: Re: To Congen Tago: 10 Fishermen in Yanbu
To: "Ezzedin Tago", Leo Tito Ausan, Yanbu Filipino Community
cc: "Joseph Henry B. Espiritu"
 

Sirs,
The past few days that my co-advocate is in tit for tat situation with Dr. Exmundo, I remained silent and
hold my horses back, as I don't want to fuel and spark the situation.

But reading Ka Joseph's statement, I feel I have the obligation to defend not only Ka Joseph but our
style of advocacies, wherein you are aware of since the time of eLagda movement.

Adding to the woes of Ka Joseph against Dr. Exmundo, is his refusal to provide us the report on the
situation of these workers, as he claimed that he already submitted his report to you and it was a
"classified" document; this made me furious I must admit, because since when the report on the OFWs
(where we were the one who brought to the attention of the concerned govt. agencies) became
CLASSIFIED? except if there are something that is detrimental to the interest of the OFWs.

How many ambassadors, consuls, attache's and govt. officials we dealt with already and Dr. Exmundo
was the only one who refused us to provide such report.

What is more classified, is it the labor and welfare case of these OFWs or the case of chop-chop killing
in Jeddah? While Con Gen Dino Lomondot is transparent in letting me read piles of records on the chopchop
case when I was in his office, here is Dr. Exmundo is not letting us have a report on labor case.
Please tell us your comments.

As you are aware, that our group is not only working on the paralegal cases but most importantly, we are
involved in advocating national issues as well as for transparency, good governance and accountability
of the government offices, we demand an explanation from Dr. Exmundo on his "classifed" report and
his callousness towards us.

He must not boast upon us his effort to travel a hundreds of kilometers just to personally assist and
respond to the needs of these workers; he must not forget that he is a government official who has the
mandate to do so; was it comparable to our effort as community leader who braved the 2 checkpoints
from Yanbu to Jeddah and travel hundreds of kilometers just to bring a couple whose wife was raped by
her employer? was it comparable to the effort I did when I went to the site (In Yanpet) during the
terroristic attack where some Filipino employees of Yanpet whose Procurement Manager (a westerner)
was killed, tied to the vehicle naked and dragged for tens of kilometers in Royal Commission area? was
it comparable to the effort I did during the investigation on the suicide of Filipino nurse aide in Erfan
Hospital where almost everyday, I was at the Yanbu Police Station and until the remains were
repatriated? was it comparable to the heated argument I had with the Hospital Director of Erfan hospital
when they refused to shoulder the expenses of the repatriation of his remains? and many others .....
He has the diplomatic status and using a diplomatic vehicle, we are not; his travel to Umlujj is
shouldered by the government (by our taxes), my travel to Jeddah to help the couple escape from their
employer is my own personal expense not to mention the risk I took.

Who is more greater? But eventhough, you will not read any of these actions in the newspaper or in any
form of media, as we are not boasting for it .... we are totally different from Dr. Exmundo.
But we cannot keep our guns silent from his callousness and arrogance and before it explodes, we
request you to sanction him as the alter ego of the President in your area.
We will remain your partner in protecting the interest and welfare of the OFWs as well as the other
assistance your office may require from us.

We remain your ally on the parameter of good governance, transparency and accountability.

Respectfully,
Ka Ronnie


From: Joseph Henry B. Espiritu
Subject: Re: To Congen Tago: 10 Fishermen in Yanbu
To: "ronnie abeto"
Cc: "Ezzedin Tago", Leo Tito Ausan, Yanbu Filipino Community
 
Date: Wednesday, July 21, 2010, 12:01 AM

Ka Ronnie, nakalimutan na rin nila ito

1. Eddie Vacalares - kinulong sa deportation kahit nanalo sa labor case
for 5 months palipat-lipat ng deportation abha-jeddah-riyadh (vice versa),
nagattend ng hearing na nakapusas at kadina sa kamay at paa.
alam ng polo at consulate ng jeddah at alam din ng polo riyadh.
ano ang ginawa ng mga tauhan nyo? hinayaan nyo lang na magdusa
yong tao. when i reported this case to you..sino ang nagpalabas kay
eddie ? sino ang kumausap sa deportation officer na hindi dapat
makulong si eddie dahil bawal ikulong ang may pending case. Kayo
ba or ang polo? Hindi.. Kami at kasamahang Human Rights na 
Saudi.

2. Teresita Santos Case - rape case na hawak ng consulate ng
jeddah before congen.. nakalabas na yong mga rapists dahil walang
naifile na private rights at tapos na ang public rights. ngayon kumuha
kami ng lawyer, kinulong ulit ang mga rapist at naghintay kami
sa private rights. if kung sa umpisa pa lang ay naifile na yong private
rights ng consulate noon ay sana tapos na ito.

3. Cielo Case.. yong bata na nagahasa ng filipino. ang recommendation
sa prosecutor's office ay pugot ulo.. Pero ano ang ginawa nyo ? natanggal
ang hatol ng pugot ulo pagdating sa korte.. dahil kumampi kayo sa
akusado at hindi alam nina nanay kung ano ang pinagsasabi ng translator
nyo sa korte at nawala yong hatol. dahil as per policy daw nyo ay sa accused
talaga kayo kakamp at balewala na sa inyo ang hustisya para sa
batang naggahasa.

kumuha ang pamilya ng biktima ng abugado para mag-appeal. nagfail sa
appeal court dahil nakapirma daw si nanay ely na sabi ay attendance
yon... na pinapirma ng tauhan nyo. Nag-appeal pa rin si nanay sa tulong
ng human rights.. at natuloy yong pugot ulo. di ko alam kung mapapatawad
pa nina nanay ely ang akusado.. if mangyari yon na walang kapatawaran
ay yon ay dahil sa ating consulate. .. Sana naman hinintay lang yong hatol
sa korte for qisas at saka na sana yong usapan para sa kapatawaran.

4. Yong pagkakulong nina Ramos, Fabrigas at Camat ng apat na taon
na walang kasalanan. sino ang nagpapalabas ? sino ang may hawak
sa kanilang kaso ngayon sa Dewan (Grievance Court) for compensation?
May mga nakakulong na ba na sobra sa hatol or na-acquit na naifile
nyo for moral and material compensation? Wala pero kami sa kasalukuyan
ay may 5 case sa dewan both sa jeddah at sa Riyadh.

At marami pang iba..

Ipapalabas ko lang ang lahat ng sama ng loob pagiging insensitive nyo na
sa hinaing ng mga ofws at yong hindi nyo pagacknowledge sa amin as NGO, as
partners as per RA8042..pagtanggi sa aming mga requests kahit napakavalid
na reasons at pagkampi sa mga irresponsableng mga tauhan.
Maghahalungkat pa ako ng mga kaso. ilalabas ko ito isa-isa. Tama na
rin total si Noynoy na ang Presidente dapat ituwid na ang lahat. We need
better people to serve us.


Gumagalang,
joseph

--- On Sat, 7/24/10, ronnie abeto  wrote:

From: ronnie abeto
To:"Ezzedin Tago" , Leo Tito Ausan
cc: Joseph Henry Espiritu, Yanbu Filipino Community
Subject: Re: To Congen Tago: 10 Fishermen in Yanbu
Date: Saturday, July 24, 2010, 4:42 AM

Dear Con Gen Tago,
 
We are still waiting for your reply to our below request; we are still
hopeful that even the report of Dr. Exmundo will not satisfy us, you
will still furnish us a copy of the same.
 
With best regards,
 
Ronnie Abeto
Senior Action Officer
Pusong Mamon Task Force - KSA
a member of V-Team

Go to Top of Page
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 07/31/2010 :  1:06:28 PM

Walang interest na hawakan nina Congen Tago and Consul Ausan kahit sa ano pang pag-paliwanag 
natin. Sa halip ay sinuportahan pa nila si Exmundo. Kahit ang dami ng kapalpakan na ginawa ng 
naturang opisyal.

Nagpadala si Consul Ausan ng Request for Assistance form kay Mr. Larry Cabago para pirmahan ng 
mga workers. Hindi ko nakita ang form at pinaalam lang ni Larry sa akin matapos pumirma na ang 
mga workers. Buong akala ko ay yon ay request for assistance ng mga workers para ang consulate na 
ang hahawak. Siyempre si Consul Ausan ba naman ang nagpadala kay Larry ng form na yon.

Nang mapadalhan tayo ni Larry Cabago ng kopya ng Request for Assitance form ay saka natin 
nalaman na ang RAF pala na iyon ay para sa POLO Jeddah at hindi ng consulate. Dapat noong unang 
pumunta si Exmundo sa Umlujj ay dapat pinapirma na niya ang mga workers hindi isang buwan na 
pagkatapos maidulog ang kaso sa kanila. Ito ay malinaw na pagtanggi ng Consulate sa request ng 
mga workers thru text, sa mga emails at tawag natin na dapat hahawakan ito ng consulate.

Kaya nang may inquiry si Mr. Larry Cabago kay Consul Ausan, ito na ang sagot ng naturang Consul:

From: LTL Ausan Jr
To: Larry Cabago
Sent: Tue, July 20, 2010 5:02:14 PM
Subject: Re: To Congen Tago: 10 Fishermen in Yanbu

Larry,

Thanks for the accomplished RAF forms. As for matters related to the case, I suggest that hereafter you 
confer with POLO.

Consul Leo

so balik si Exmundo sa paghawak ng kaso.. at lalong yumabang, well sa unang araw lang naman daw.. Tumahimik lang si Exmundo ng tinanong nya ang mga workers kung totoo ba na nairecord sya 
noon na sinabi nya na "kaibigan nya ang employer at binigyan pa sya ng isda". Sinagot naman sya ng 
mga workers na Oo at kahit  sa kasalukuyan ay nagrirecord pa rin sila.

Go to Top of Page
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 08/03/2010 :  1:31:09 PM
Sa mga nakaka-alam kung papano gagalaw ang patnubay.com as human rights advocate. Alam nyo na 
napakadali lang sana itong maresolba. Makita nyo naman ng pumunta ang mga workers sa emara at 
sa saudi labor office ay napakadali lang at may resulta na. If ginawa sana ito ng POLO-Jeddah noon pa 
ay malamang malayo na ang narating sa kaso. Yet, we still need our consulate and POLO na gagalaw 
ng maayos dahil trabaho nila ito at sila ang dapat lalapitan ng mga OFWs na nagkaproblema. Sad 
thing to say, hindi nila gagawin ang ating suggestions dahil gusto nilang iprove na may sarili silang 
diskarte. Alam nyo naman po na hindi ganun tayo sa patnubay.com. Wala sa atin ang credit ang 
importante sa atin ay maiayos ng ating posts ang kanilang system. Sabagay isa lang naman yan si 
Exmundo sa mga taong pinadala na ating gobyerno dito na walang alam sa batas at proceso. 

Marami naman sa ating mga posts ang gumawa rin ng tama at naka-align sa advocacy natin. May mga tauhan rin naman  sa ating posts na marurunong. Sad thing, na dahil sa mga tiwaling tauhan katulad
ni Exmundo, buong POLO or posts ang nadadamay.

Gimboy "TAS" Espiritu Go to Top of Page
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 08/12/2010 :  2:29:35 PM

Isa-isahin ko kung ano ang mga frustrations ko sa kaso na ito pero bago ang lahat,
mapaliwanag ko lang sa inyo kung ano ang pinakamagandang solution sa kanilang problema.

Ano ang kanilang kahilingan.

1. Makauwi
2. Mademanda ang Agency at mabayaran sila.

Ano ang kanilang mga kalakasan para makauwi kaagad?

1. Saudi Labor Law - Article 7.3  - Exception from the Saudi  LAbor law are those sea
workers working on board of a vessel which is less than 500 tons (Please check attached
Saudi Labor Law)

2. Immigration Law - On Penalties Iqama System Violations -  Please check the
attachment and on point 28 you will find the violations and penalties katulad ng nakasulat
sa baba.

Ano ang Violations?

Expatriate working for an employer other than the one recruited him and whose  name is
noted down in his work permit, prior to his release by the latter and  the approval of the
concerned authority on the services transfer.

Ano naman ang magiging Penalty?

The employee shall be deported from the country at his employer expenses and  deprived
from the right to return to the Kingdom before the lapse of two years  from his deportation
date.

Provide a copy of the worker's travel documents to the Ministry of Foreign  Affairs in order
to prevent him from coming back during the above mentioned  ban period.

Napakadali lang kung gagamitin ang mga batas na ito para sa mga workers. Hindi sila
kailangang magfile ng case sa  Saudi LAbor dahil sila ay sea workers ng maliit na bangka.
At dapat silang maideport kaagad dahil ang kanilang employer at ang sponsor ay
magkaibang tao. Very basic..

Pero ang POLO-Jeddah, ginawa nilang complikado ang bagay na hindi sana komplikado.
Alam naman nila na magtatagal ang mga kaso, at kung aabot pa sa Higher Labor Court
dito sa Riyadh ay taon ang bibilanganin. Ginawa nila iyan para protektahan ang kanilang
interest. Ilang beses kung uulitin, hindi makahire ang isang employer kung hindi ito
dumaan sa verification sa POLO. Ibig sabihin bago pa lang maghanap ng agency at
workers ang employer ay pumunta na ito sa POLO para magpaverify, ng jobsite,
authenticity ng company, salary bracket at approved visas (mga visas na wala pang
pangalan ng tao pero nandon na yong job specification at kung sino ang kafil). Ito yong
link ng POEA na nakalagay dyan na ang POLO ang unang magverify ng
employers.

http://www.poea.gov.ph/html/hiringFilipinos.html

Nakita na nila na fishermen ang visas at alam din siguro nila na hindi kasali ang fishermen
sa approved jobs ng POEA  para sa Saudi Arabia. Alam rin naman siguro nila na
hindi kasama sa Saudi LAbor Law ang fishermen. Katangahan lang siguro or anong
relationship nila with the employer kaya na-aprobahan na maghire ang employer. Dito pa
lang sana, ay naharang na nila at hindi na sana magkaproblema ang mga workers.

Bakit tinanggap ng Saudi Labor ang kaso ng mga fishermen.

Dahil ito ay naiforward galing sa Emara (Governor's office).  Kung matatandaan, nagfax
tayo sa Emara ng Madinah, ng ating unang complaint letter (see attached), nag-email din
si anna ng same complaint letter. Dinala nina Felipe, Ronnie at Reden (with ka fidel) ang
same letter na yan sa office ng Emara sa Yanbu. Ang sabi ay hindi maibigay ang request
nila to Deportation dahil nagsubmit na si Exmundo ng letter days ahead at ang request ay
madala sa Saudi LAbor Office. Inihabol naman ng Emara ang letter ng mga workers to
Saudi Labor ng Yanbu. If yong pagpunta sa Saudi LAbor Office ng Yanbu,  may time pa
sana para mahabol kung yong dala ni larry Cabago na translator ay alam ang proceso.
Sayang noong makakuha tayo ng translator from daawa ay naiforward na ang kaso sa
Alwaj.

Again, nakita nyo na ang POLO at si Exmundo ay gusto talagang maifile ang kaso sa
Saudi Labor, para magtagal at mamatay ang issue na sila ang may kasalanan kung bakit
may fishermen na nakapunta dito. Nagfile si Exmundo ng complaint sa Emara at sa Saudi
Labor na hindi man lang nakita ng mga workers kung ano ang reklamo at requests?

May conflict of interest talaga sa POLO, kaya sa umpisa pa lang hiniling natin na
hahawakan ito ng Assistance to Nationals Section ng Philippine Consulate. Pero ang
ating consulate  ay ayaw din hahawakan at tumalikod sa responsibilidad at hinayaan na
hahawakan ito ng POLO, kahit na ang mga workers na mismo ang nakiusap, kahit binigay
ko na sa Consulate ang lahat ng  reasons bakit sila dapat ang hahawak.

Ang ginawa ng consulate, thru Consul Ausan, humingi sila ng lahat ng papel ng mga
workers kasama na yong sulat sa Emara.This hindi ko nagustohan ang ginawa ni Larry na
pinadala sa consulate ang ginawa nating sulat para sa Emara, na hindi man lang
nagpaalam sa akin or sa workers. Kahit kunting respeto na lang sana bilang nagdraft ng
letter at gumastos sa pagpatranslate. This nalaman ng consulate / POLO ang letter ng
mga workers.. Malamang may kaba sila na ang sulat ng mga workers ang mapansin ng
Saudi Labor at matabunan yong complaint na naisubmit ni exmundo. Kaya nagpadala si
Consul Ausan kay Larry Cabago ng Request for assistance form ng POLO
(yes RFA ng POLO and not from the consulate kung saan sya na-belong).

Nagpapirma si Larry ng RFA form ng POLO sa mga workers nahindi ko alam, na hindi rin
sinabi ng mga workers sa akin. ito ay isa na naman sa aking frustrations. ito ay nangyari
bago lumipat ang mga workers sa Daawa (Islamic Center) Daawa ng Yanbu, kung saan
tayo ang nakiusap para titira ang mga workers doon.

Habang nakipagnegotiate pala tayo sa Consulate na sila ang hahawak sa kaso, ang mga
workers din pala ay tumatawag sa  POLO Jeddah at nagmamakaawa na hahawakan sila
ulit ni Exmundo. Ang dating pala ay nakipaglaban ako para sa kanila di ko alam nasa
likod na pala sila ng aking mga kaaway. 

Late ko na ito nalaman ng pinadala ni Ka fidel ang lahat ng recordings ng mga worker
kasama na yong recording ni Exmundo na nagsabi na kaibigan nya ang employer at
binigyan sya palagi ng isda.

Dumating si Exmundo, sa yanbu at nagdadakdak, nagyayabang at pinipilit na kasali na
daw ang fishermen ngayon sa Saudi LAbor LAw. he he he 2 years pa kasi itong si
exmundo sa Saudi at wala pa sa kalingkingan ang alam sa batas.  Hindi nya alam na
kung  may bagong provision sa batas ay  dapat mailatlahala muna ito sa pahayagan.
Tumahimik lang si Exmundo ng sinabi ng mga workers na totoo na narecord sya noon ng
mga workers.

Ito pa palagi kong sinasabi sa mga workers, na kahit saan sila magpunta ay dapat dala
nila ang kopya ng kanialng file number sa emara, sa saudi labor office at ang kanilang
complaint letter para sa emara (with photos). Ilang beses ko itong inuulit sa kanila. Noong
nasa Alwaj na sila tumawag si Felipe at isa-isa daw silang i-enterview ng officer ng Saudi
Labor Office. Tinanong ko sya if may naibigay ba ng panibagong complaint letter si
Exmundo sa Saudi Labor ng Alwajj. Sabi ni Felipe ay meron arabic at di nya maintindihan.
I told felipe na pakisabi sa mga workers na kung iinterviewhin na sila ay ibigay yong sulat
nila sa Emara dahil yon ang totoong requests nila. Sabi ni Felipe wag na sir, mabait
na si Exmundo. I told Felipe na ibigay nya.. sAbi ibibigay daw nya. Hindi naibigay dahil
ang totoo hindi nila dala ang kanilang mga letters sa Emara. Wala man lang kahit isa ang
nagdala. Ang nangyari, yong sagot nila sa interview ay parang as support sa complaint ni
Exmundo na ipush sa Saudi LAbor office ang case.

I ask them ano ba talaga ang gusto nila magfile ng kaso or uuwi? ang sabi nila ay uuwi.
Well naexplain ko sa kanila ang process na ito.

1. Saudi LAbor OFfice - dispute settlement, it will take three meetings with the employer
at kung hindi magkasundo ay maiforward ito sa Primary Court. at kung hindi aattend
ang employer ay may three summons pa ito na chance. This process may take at least 2 to 4 months.

2. Primary Court - several hearings, summons kung di aattend ang employer.. the may take 7
months to one year. If mananalo man sila, the court will give the employer the chance to file
for an appeal within 30 days.

3. Higher Court (Riyadh) - several hearings dito sa Riyadh which takes 6 months ang gap
between hearings.

Naitransfer ang case sa Jeddah, at naghintay na maiforward ng Saudi LAbor office ng
Alwajj sa Jeddah. May chance pa rin ang workers if makarating na ang file sa Jeddah ay
maipaliwanag nila ang kanilang karapatan at ang kagustohang umuwi. Kaya we drafted a
second letter as per their request. Please check the attached letter. Si Pareng bong
concha ang nagprint at  dinala sa tinirhan ng mga workers. I told them na kung pwede
hindi nila ito ipapakita ng kahit sino mang taga POLO or  consulate. Ipapakita lang nila ito
sa Officer ng Saudi Labor Office. Ang mangyayari kasi is if mabasa ito ng officer, ay
maiforward ito sa Jawasat as per our request at makauwi ang mga workers.  Naghintay
tayo ng time kung kailan sila makapunta ng Saudi LAbor Office.

Monday night, pinadalhan sila ng POLO Jeddah ng arabic letter, a request to Saudi LAbor
Office na kugn pwede makakuha ng work permit ang mga workers for four months.
Imagine an arabic letter from POLO na wala man lang english translation? Ito yong mga
kadalasan  naireklamo natin sa mga police station sa mga kababayang nakulong.. Ito
yong  mga naireklamo natin sa mga employer na sapilitang nagpapirma ng contract
sa workers. Ginagawa pala ito ng POLO?

Dumating ang time na pupunta na sila sa Saudi LAbor office, ano ba ang nangyari, eh
pinapakita na ng isa sa mga workers ang second letter natin sa isang taga POLO na hindi 
pa nga sila nakarating  kung sinong officer sa saudi LAbor. So, sa halip na makita nila ang 
case officer ng Saudi LAbor, dinala ngayon sila ng translator ng POLO papunta sa office ni
Labatt Cabe. At pinaliwanag na naman ng Labatt na kailangan nilang magfile ng kaso at
hindi daw sila pwede ma deport.. (oo sa ngayon po hindi sila pwedeng mapa-uwi dahil
may pending case, case na naifile nyo.. pero you can request the saudi labor na kung
pwede ay magforward ng case na ito sa immigration.. Hindi rin gagawin ng POLO yan
for sure, dahil sila ang nagfile ng kaso, mapapahiya sila) 

Ito lang po muna at maraming salamat ,

Ka Joseph

PS: Sa ngayon, hindi pa rin alam ng mga workers kung ano ang naifile na complaint or requests 
ni Exmundo sa Emara or sa Saudi LAbor.

Go to Top of Page
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 08/16/2010 :  10:01:00 PM

From: Joseph Henry B. Espiritu
Subject: Urgent Attention : Case of ten fishermen of Yanbu
To: PNOY, owwa_opcenter@yahoo.com, "poea 1" <administrator@poea.gov.ph>, "Dir Alex Padaen"
Cc: hanie05310, Cyril Mendoza, felrose Batiancila, "Micmic Colis" , Analyn Salvado
Date: Sunday, August 15, 2010, 7:54 AM

To President Noy at sa mga kinaukulan,

Bago nyo po ipasa ito sa POLO - Jeddah or Consulate ng Jeddah, hiniling ko po sa inyo na kung maari ay basahin nyo munang mabuti at intindihin ang aking pagpaliwanag.

Ito po ay  tungkol sa kaso ng 10 fishermen ng  Yanbu na  kasalukuyang hawak ng  POLO - Jeddah.

Hiniling ng  mga workers noon pa man ay makauwi at makasama ang kanilang mga pamilya. Sa ngayon, ang mga workers ay nakatingga sa Hajj Terminal at naghihintay  pa ng hearing sa kaso sa Saudi LAbor Office ng Jeddah. 

Hindi po  kagustohan ng mga workers kundi ng POLO - Jeddah ang magfile ng kaso sa Saudi Labor. Alam naman natin na aabot ng taon bago matapos ang Labor Case dito.. Bakit ?

Nasa baba po ang aking reaction.

Ano ang  kahilingan ng mga workers?

1. Makauwi
2. Mademanda ang Agency at mabayaran sila.

Ano ang kanilang mga kalakasan para makauwi kaagad?

1. Saudi Labor Law - Article 7.3  - Exception from the Saudi  LAbor law are those sea workers working on board of a vessel which is less than 500 tons (Please check attached Saudi Labor Law)

2. Immigration Law - On Penalties Iqama System Violations -  Please check the attachment and on point 28 you will find the violations and penalties katulad ng nakasulat sa baba.

Ano ang Violations?

Expatriate working for an employer other than the one recruited him and whose  name is noted down in his work permit, prior to his release by the latter and  the approval of the concerned authority on the services transfer.

Ano naman ang magiging Penalty?

The employee shall be deported from the country at his employer expenses and  deprived from the right to return to the Kingdom before the lapse of two years  from his deportation date.

Provide a copy of the worker's travel documents to the Ministry of Foreign  Affairs in order to prevent him from coming back during the above mentioned  ban period.

Napakadali lang kung gagamitin ang mga batas na ito para sa mga workers. Hindi sila kailangang magfile ng case sa  Saudi LAbor dahil sila ay sea workers ng maliit na bangka. At dapat silang maideport kaagad dahil ang kanilang employer at ang sponsor ay magkaibang tao. Very basic..

Pero ang POLO-Jeddah, ginawa nilang complikado ang bagay na hindi sana komplikado. Alam naman nila na magtatagal ang mga kaso, at kung aabot pa sa Higher Labor Court dito sa Riyadh ay taon ang bibilanganin. Ginawa nila iyan para protektahan ang kanilang interest. Ilang beses kung uulitin, hindi makahire ang isang employer kung hindi ito dumaan sa verification sa POLO. Ibig sabihin bago pa lang maghanap ng agency at workers ang employer ay pumunta na ito sa POLO para magpaverify, ng jobsite, authenticity ng company, salary bracket at approved visas (mga visas na wala pang pangalan ng tao pero nandon na yong job specification at kung sino ang kafil). Ito yong link ng POEA na nakalagay dyan na ang POLO ang unang magverify ng employers.

http://www.poea.gov.ph/html/hiringFilipinos.html

Nakita na nila na fishermen ang visas at alam din siguro nila na hindi kasali ang fishermen sa approved jobs ng POEA  para sa Saudi Arabia. Alam rin naman siguro nila na hindi kasama sa Saudi LAbor Law ang fishermen. Katangahan lang siguro or anong relationship nila with the employer kaya na-aprobahan na maghire ang employer. Dito pa lang sana, ay naharang na nila at hindi na sana magkaproblema ang mga workers.

Bilang kasama sa bagong administrasyon ni PNOY na nagbigay ng pag-asa sa mga filipino pati na sa aming mga OFWs; sana ay nakita nyo na ang mga ugat ng problemang ito.

Ngayon ang mga workers ang naghihirap, ang agency ay patuloy  pa rin sa operation at ang mga tiwaling official ng POLO ay nagsaya dahil umubra ang kanilang delaying tactics.

Nasa link po na ito ang buong kwento ng mga workers mula ng unang tumawag sila sa amin at naipaabot namin sa ating consulada.

http://patnubay.com/link.asp?TOPIC_ID=257

Makikita nyo rin dito kung anong klaseng serbisyo ng mga  taong itinalaga nyong tao para magprotektahan kaming mga  OFWS.

Hiniling ko po na sa halip na ipapasa nyo ang email na ito sa POLO Jeddah or Consulate ng Jeddah,  hihingan nyo sila ng kanilang report, kung ano ang assessment nila sa kaso; papano nakapasok ang fishermen dito at bakit kailangang magfile nila ng kaso. Kawalang alam ba nila sa proceso or sadyang may tinatabunan lang silan kapalpakan.

Ito lang po muna, at sana sa panahon ng ating bagong administration ay tayo lahat ay magbago na rin, lalo na yong mga nandito sa posts.

Nasa email din na ito ang mga email addresses ng mga pamilya ng mga workers.

At ito naman ang kanilang mga telephone numbers

Please lang wala ng tabunan, hanapin nyo ang katotohanan, parusahan ang nagpabaya at tanggalin sa serbisyo ang mga walang alam. Nasa bagong kabanata na po ang bansa natin.

Pamilya ni Redentor Hubahib - +6392344
Pamilya ni Tata Colis - +63910
Pamilya ni Isabelo Salvado - +6390
Pamilya ni Ronnie Maru - +63912
Pamilya ni Oliver - +6391
Pamilya ni Jupiter Lawan - +63923
Pamilya ni Cliffchard Mendoza - +639083
Pamilya ni Felipe Batiancila - +6391
Pamilya ni Raden Oncipido -
Pamilya ni Jose Alforque -

Mga number sa workers sa saudi

Felipe +9665
Reden +96656
Isabelo +96656
Raden - +966558
Tata Colis - +9665442
Ronnie Maru - +966567
Cliffchard Mendoza - +9665

MAraming salamat at gumagalang,

Joseph Henry Espiritu
Patnubay.com

Go to Top of Page
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 08/19/2010 :  2:00:00 PM
Monday August 16, 2010 - Sinundo ng taga-POLO Jeddah ang mga workers sa hajj terminal at dinala sa Saudi Labor Office para kausapin ang officer doon para mawithdraw yong case na naifile ng POLO at sundin yong requests ng mga workers na mapauwi. Sinabihan ang mga workers na they have to wait for ten days para sa decision ng Saudi Labor Office kung mawithdraw or hindi yong case na naifile ng POLO-Jeddah. Go to Top of Page
Jump To:


Set as your default homepage Add favorite Privacy Report A Problem/Issue   © 2005 Patnubay All Rights Reserved. MWPX.COM Contact Us Go To Top Of Page

loaded in 0.625s