Patnubay
    
   
Save Password  / Forgot your password?
 
 All Forums
  Xtreme Chat
 Bayanihan sa Pagtulong ng mga Distress Workers
  Printer Friendly Version  
Author Previous Topic Topic Next Topic  
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 06/04/2010 :  9:41:19 PM

Nasa baba po yong storya ng kanilang problema noon.
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 06/05/2010 :  04:16:57 AM



Maraming Salamat sa Thursday Group sa pagbigay ng pagkain para sa mga workers ng Al Arab.
Thanks to Ka Jay Ebora, Tito Arnold Mapue, Tito Dan Divinagracia, Manny Lector.

Ang Thursday Group ay isang tahimik pero epektibong grupo na tumutulong sa mga distress OFWs. Sila
ay nagbibigay ng food supplies sa mga distress OFWs, sa mga wards ng Bahay Kalinga; at sa mga 
OFWs na may problema sa kanilang mga employer at kasalukuyang may kaso sa Saudi Labor.

October 2009 ang first encounter natin with Al Arab workers. Yong 12 OFWs na nagstay ng sobra sa
contract at walang pang sahod ng 6 months. Bago sumapit ang 2010..., napauwi sila lahat. Nasa baba
po yong link ng News ng Balitang Middle East tungkol sa naunang mga workers ng AACC - Eagle
Company Branch.

Hindi pa rin nagbago ang Al Arab sa treatment ng kanilang mga workers. Sana ang ating POLO at
embahada ay magkaroon ng konkretong hakbang para matigil ang pang-aabusong ito. Maliban sa
delayed na sahod at buwanang deductions, wala ring Iqama ang mga workers na ito.

Suggestions : Since this is a collective problem at hindi para lang sa iilang individuals, sana ang
gagawing hakbang ng ating POLO ay hindi na naman yong pagfile ng kaso sa Saudi Labor na alam
natin na napakahabang proceso.

Dapat ang ating Labatt or ang ating Ambassador ay magsulat  sa Governor's Office, Ministry of Labor,
Human Rights Commission para ma-alert mga ahensyang ito tungkol sa obvious abuses na ginawa ng
company sa kanilang mga Filipino workers.

Ang sahod,  Iqama ay mandatory  na obligasyon ng employer.

Ano pa ang purpose ng pagfile ng kaso sa Saudi Labor?

Sa pagfile ng kaso sa Saudi Labor ay nabigyan pa ng mahabang panahon ang employer na gagawin
ang mga abuses at ang workers nating ang naghihirap.

Again Maraming Salamat sa Thursday Group.
(note pasensya na sa video, cellphone cam lang gamit )

From Patnubay.com / OFW SOS / Center for Migrant Advocacy.
Go to Top of Page
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 06/07/2010 :  12:12:41 AM
June 5, 2010 - Natanggap ng mga workers ang isang buwang sahod at yong dalawang buwan na sahod ay di alam kung kailan pa ito matatanggap. As mentioned sa video ang isang buwang sahod ay sapat lang na pambayad sa utang nila sa tindahan. Malamang hindi makapag-aral ang kanilang mga anak ngayong pasukan. Go to Top of Page
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 06/21/2010 :  02:17:41 AM


Thanks to Roland Blanco and Balitang Middle East.

 

 


Thanks to Ate Yna Caparros for the Father's Day Treat sa Al Arrab -Eagles Company Workers. Thanks to 
the Thursday Group sa weekly food supply. This week mangalampag na naman tayo sa POLO, POEA 
na makasahod at makuha pa yong delay na salary ng mga workers na ito. Yong nakuha nilang isang 
buwang sahod last month ay sapat lang na pambayad sa tatlong buwang utang sa tindahan. Sensya na 
sa video, cellphone cam lang yan.

Gimboy "TAS" Espiritu Go to Top of Page
Jump To:


Set as your default homepage Add favorite Privacy Report A Problem/Issue   © 2005 Patnubay All Rights Reserved. MWPX.COM Contact Us Go To Top Of Page

loaded in 0.422s