1. A Reaction to GMANews.Tv article "OFW gets death in Saudi despite self-
defense plea"
Ito yong kaso ni Joselito Zapanta (alias Joseph sa Article ng GMANews.tv but since
pinalabas na ng DFA at ng ibang media ang totoong pangalan, isusulat na rin natin
ang totoong pangalan ng akusado)
Basic Information ng Crime Scene:
Ang Sanie Building ay twin-building na may mahigit sampung palapag ang bawat building.
Sa bawat floor naman ay may anim na flats. Sa bawat flat ay may tatlo or apat na
kwarto. Maraming pinoy ang nagrent sa mga flats ng Sanie Building dahil ito ay malapit
sa Batha. May mga companies din na ito ang ginawang accomodation ng kanilang mga
staff.
Mula ng dumating ako ng Saudi Arabia, palagi akong nakatambay dito dahil may mga
kaibigan akong nagwork sa SRTelecoms kung saan dito ang accomodation nila. Dito rin
nakatira ang ibang kasamahan ko sa trabaho. Five years ago, Isa sa kasamahan natin sa
adbokasya na si Ka Roland Blanco ay nakatira sa Building 1 (left side). Sa building
na ito rin naganap ang crimen.
Sa bawat flat ay may isang flat-holder, ang flat holder ay sya na ang naniningil doon
sa mga nakatira sa bawat kwarto ng kanilang flat. According to our investigation,
si Joselito ay ang flatholder ng kanilang room, ang Room number ay 114. So sya ang
maniningil sa mga kasama nya sa kwarto. At sya naman ang sisingilin ng rent collector.
May dalawang haris (rent collector) doon, isang masri at isang sudani. Sila ang
ang tagasingil ng upa sa mga flatholders. Ang pangalan ng Sudani ay si Imam Salah
Ibrahim. Siya yong Sudani na pinatay ni Joselito Zapanta.
Chronology of Events
Buwan ng Hunyo, 2009 at nakatanggap kami ng information na may pinatay na Sudani
sa Sanie Building, sa Batha. Inalerto kaagad natin ang ating embahada, sina Vice Consul
Reyes na maging handa kung sakali may paghuhuliin na mga pinoy doon.
May mga pinaghuhuli sa Building 1 for interrogation, nakatutok naman si Mr. Jerome
Frias ng ating embahada. Marami sa mga filipino na nakatira doon sa building kasama na
yong ibang mga kasamahan sa flat ni Joselito. Pagkatapos nainterrogate ay makakalaya
naman thru kafala. Tinanong ni Mr. Frias doon sa police station kung kailan makalaya
ang mga Filipino. Ang sabi ng police ay ihanda na lang yong mga kafil (sponsor or
employer) pagkatapos ng interrogation.
Nakalaya ang lahat pagkatapos ng ilang araw, may iba na hindi macontact yong kafil
(sponsor) kaagad at tinututukan naman nina Jerome. Nakalaya ang lahat nang nahuli si
Joselito Zapanta at umamin sa krimen na kanyang ginawa.
Hindi kaagad nahuli si Joselito dahil wala naman sya sa lugar noong natagpuang patay
na si yumaong Salah. Ilang oras pa ang dumaan bago napag-alaman na patay na si
yumaong Salah.
Ano ang ikinamatay ni yumaong Salah ?
May mga tama sa ulo si yumaong Salah at nakita na lang na nakahandusay sa kanyang
opisina at wala ng buhay. Nag-isa lang sya doon dahil nakabakasyon yong kasama nyang
egyptian. Nawala ang pera at nawala din yong mobile phone ni yumaong Salah.
Papano nahuli si Joselito Zapanta ?
Pagkatapos ng interrogation sa lahat ng hinuli, napag-alaman na may isang Filipino na
nawala, at hindi na makita pagkatapos ng insidente. Napag-alaman din na nawala yong
cellphone ni yumaong Salah at ang wallet nito.
Nahuli ang filipina ng matace ang cellphone at pumayag na makipagmeet sa authorities
sa isang mall. Nakuha din ng authorities doon sa babae ang cellphone ng biktima.
Inamin naman ni Joselito ang krimen, ang pagkuha sa pera at cellphone. Inamin nya na
binigay nya kay Karen ang cellphone ilang araw ang dumaan. Sinabi nya rin sa police
na nagastos nya na ang pera.
Ang babae ay may pangalang Karen at kinulong din pagkatapos ng paghuli kay
Joselito Zapanta. Nakatutok naman dito ay si Mr. Ibrahim Zailon ng Assistance to
National Section - Female cases ng ating embahada.
Reactions to GMANews.tv erroneous News
1.1 GMANews.TV : OFW gets death in Saudi despite SELF DEFENSE plea
Papano maging self-defense ang pagpapalo sa likod ng ulo gamit ang martilyo, ng
maraming beses?
Bakit mo iniwanan ang tao na iyong nasaktan na hindi ka man lang tumawag ng tulong?
Tumawag ka ba ng ambulance or hospital?
Kung tumakbo ka dahil sa takot, bakit kailangan mo pang nakawin ang cellphone
at pera?
1.2 “According to Joselito, he was brutally beaten by his Sudanese landlord when he
refused to pay his rent as his payment was not yet due; he fought back and accidentally
killed the Sudanese (in) June 2009,"
Nagpacheckup ba sya hospital or clinic at may medical report ba sya sa pagkabrutally
beaten nya?
Noong hinuli sya ng pulis may mga maipakita ba syang pasa or sugat, na-pamedical
report ba sya?
Nag-interview tayo ng mga filipino na nakatira sa building. Sila lahat ay nagsabi na
mabait na tao si yumaong Salah. At walang problema kay yumaong Salah kung late ka
sa pagbayad ng rent ng iyong flat. You can go to Sanie Building one and two and ask
the filipinos na nakatira doon tungkol naman sa pagkatao ni Joselito, kung mayabang
ba ito, sugarol ba ito or hindi.
For your information, ang mga nakatira sa Room 114 na mga Filipino rin ay nagbigay ng
kanilang rent kay Joselito dahil ito ang flatholder. Walong buwan, na hindi nairemit
ni Joselito ang rent ng kanilang flat.
1.3 Joselito said only two interpreters assisted him during his hearing, as the DFA and
the Philippine Embassy in Riyadh did not provide him a lawyer.
These interpreters ay nagwork sa court at pwede maitap to interpret kung walang lawyer,
or walang embassy officials to represent a filipino accused. Please be informed that in
Saudi Arabia, an accused is allowed to defend himself thru interpreter. Marami namang
accused ng Murder cases ang na-acquit without the presence of lawyer sa hearing,
eg. Mabanto Case, Alejo, Esmero and Cordova Case.
Did Joselito call the embassy tungkol sa schedule ng kanyang hearing?
Before dadalhin for hearing ang isang nakakulong, may papel (talabat) na matanggap
doon sa kulongan, para schedule ng hearing, minsan a day before ng hearing ito
matanggap. Minsan sa araw ng hearing na mismo. May contact naman ang nakakulong
sa loob sa ating embahada then they can easily inform the embassy sa schedule ng hearing.
If in case, ay walang talabat at bigla na lang ang pagpalabas ng nakakulong para dalhin sa
korte, ang mga nakakulong na pinoy ay dapat kumuntak na sa ating embahada na may
hearing ang isang kababayang nakakulong sa araw na yon. If kung sakali may contact
itong si Joselito sa isang group, then all he has to do is to text that group na may
hearing sya at ang group na dapat ang maginform sa embassy.
Ang kagandahan kung may lawyer or kung may wakala, dahil sila ang unang mainform ng
korte about sa hearing. Thus siguradong may representation ang akusado doon sa korte.
1.4. “Joselito is not only a victim of his own deplorable condition under his abusive
landlord but also of the criminal neglect by the Philippine post in Riyadh,"
Ang pinatay na ngayon ang abusado at ang pumatay na ngayon ang biktima. Hindi
porket Filipino ay hindi marunong gumawa ng masama at hindi porket ibang lahi ito ay
masama na. 'Wag naman tayong maging biased dahil buhay ang nawala dito at mga
buhay ng pamilya ang apektado.
Tandaan natin sa mga Qatl (murder) case na may hatol na qisas (capital punishment),
ang kapatawaran lamang ng pamilya ng biktima ang makakaligtas sa pagbitay ng
akusado.
Makakamit lang ito sa pamagitan ng pag-amin ng kasalanang ginawa, pagsisisi sa
kanyang ginawa at paghingi ng tawad sa pamilya ng biktima.
Sa batas ng Saudi Arabia, hindi ang kasinungalingan ang mapagpapalaya sa isang
akusado. Papano mapatawad ang isang akusado ng pamilya ng biktima kung sasabihin
pang masamang tao ang biktima?
1.5 he was told by Joselito in a personal communication that he ran away from his
original employer who had allegedly not paid his salary for six months. He eventually
found another job and rented a room managed by a Sudanese national.
Nagfile ba sya ng kaso sa kanyang employer? Lumapit ba sya sa embassy or pinili nya
lang tumakas?
Yes, confirmed na totoong walang Iqama (Residence Card) si Joselito Zapanta. Pero
bakit sya ang flatholder o naniningil sa kanyang flat samantalang kailangang magsubmit
ng Iqama ang isang flatholder? This, hindi pa natin naitanong sa opisina ng Sanie Building
pero ang sabi ng mga gwardya ay hindi naman Joselito ang pagkakilala nya sa kanila kundi
ang binigay na pangalan ni Joselito ay "Alfred".
1.6 Joselito’s family expressed confidence that he will win his case as there reportedly
were eyewitnesses to prove it was a case of self-defense.
If may witnesses pa bakit it took days bago nahuli itong si Joselito. Kung may witnesses
pa bakit kailangang maraming mga tao na napasama sa interrogation? Kung may witnesses
pa bakit kailangan pang itrace ang cellphone ng biktima na hawak ng girlfriend ng akusado?
Bakit ka papatay ng tao na patalikod, gamit ang martilyo? Nakawin mo pa ang pera at
cellphone? Now, do you call that a self defense?
Tumawag ka ba ng ambulansya or mga kasama para mailigtas yong tao na iyong sinaktan?
Ito lahat ay hindi nya ginawa sa halip ay umalis sya sa lugar; na nagresulta sa
pagkadampot ng maraming tao at mga kapwa natin filipino. Bumalik lang sya sa lugar ng
wala ng hulihan, nag-empake, at minalas ay noon din sya hinuli.
1.7 The family was shocked however upon learning of the death sentence, and that
Joselito was given only until May 1 to file his appeal before the Appellate Court,
Monterona said.
Sa mga ganitong kaso, ang pamilya talaga ng magkabilang panig ang apektado. Mabuti
na rin siguro na tanungin ng kanyang pamilya si Joselito kung ano ba talaga ang totoong
nangyari. At sana katotohanan ang sasabihin ni Joselito.
As per Shariah law, kung may kinitil ka na buhay, buhay din ang kapalit. Inamin nya na
kanyang pinatay at may mga ebedinsya laban sa kanya natural lamang na guilty ang hatol.
As per Law of Criminal Procedure of Saudi Arabia, dapat within 10 days after ng hatol ay
matatanggap ng akusado or ng kanyang abugado ang sac (hardcopy ng court decision).
Within 30 days after ng pagtanggap ng sac ay pwede makapagfile ng appeal ang akusado.
In my own opinion, karapatan ng bawat akusado na magfile ng appeal kung hindi sya
sang-ayon sa desiyon ng korte. Pero sa case ni Joselito ay walang silbi ang pagfile ng
appeal dahil ang kasalanan ay inamin nya na. Hindi uubra ang kanyang alibi na self defense
at yan napaliwanag ko na kanina.
Sa ngayon ay ramdam na ang hustisya ng pamilya ni yumaong Salah dahil sa hatol ng
korte. Ang pagfile ng appeal ay baka lalo pang ikagagalit ng pamilya ni yumaong Salah.
Malamang ito ang maging katanungan sa isipan nila, "Bakit nag-appeal pa samantalang
pinatay nya naman talaga si Salah na walang kalaban-laban at ninakawan pa?"
Ang dapat nya sanang gawin ngayon ay magpakumbaba, magsisisi sa kanyang ginawa.
Hintayin ang tamang time para hihingi ng tawad sa pamilya ni yumaong Salah. Kung ang
hatol sa kanya ay 5 years na kulong Joselito still has to serve 2 and a half years before
makapagrequest ang family sa court na madaliin ang Qisas. 2 years ay long enough
para magheal ang galit at makapagpatawad ang isang Muslim. Pero papano mapapawi
ang galit kung patuloy sa mga kasinungaligan at biased na news na lumalabas sa mga
media sa atin? Papano mapapatawad si Joselito kung hanggang ngayon ay ayaw nyang
aaminin ang kasalanan?
Huwag naman sanang mahalintulad ito sa kaso ni yumaong Fahad, (Rey Cortez) na
pinanindigan nya yong alibi na bading yong taong kanyang pinatay. At ang mga media
sa atin ay naniwala na yon ang totoong nangyari. As I had said, ang kapatawaran ng
pamilya ng biktima lang ang makapagligtas sa hatol na bitay. Pumunta nga ang represen-
tatives ng gobyerno natin sa Pakistan para tanazul kay Fahad. Walang nangyari, papano
ka mapapatawad kung hindi mo aaminin ang kasalanan at sa halip ay kasinungalingan
ang ipapalabas sa Media?
Sino ba si yumaong Salah sa tingin ng maraming Filipino na nakatira sa Sanie Building?
Si yumaong Salah ay kilala ng mga Filipino na nakatira sa Sanie building bilang mabait na
tao. Matulongin, nagpapahiram pa ng pera sa mga Filipino na gipit sa pera. Ika-ika na nga
maglakad at matanda na. Ang makipag-away ni yumaong Salah sa tingin ko ay napakasamang
tao. Ano pa kaya ang papatay sa kanya?
Sino naman si Joselito para sa mga nakakilala sa kanya ?
Okay naman daw makisama sabi ng mga kasama nya sa kwarto pero may kayabangan daw
ito. Lulong sa sugal at masamang bisyo at sa kanyang babae kaya nagkaproblema sa pera.
Suggestions :
As I had mentioned in Qatl Analysis 1, ang kapatawaran ng pamilya ang kailangan sa
mga ganitong kaso. Kung ang sa Pilipinas mananalo ang mas sinungaling. Dito ang
katotohanan or ang nagsabi ng maraming katotohanan ang mananalo.
Marami tayong mga Sudanese na kakilala, yong iba umalalay sa atin sa translation sa
mga letters natin for governor's office, human rights and other government agencies dito.
Sad to say, alam nila ang mga maling lumalabas na balita ng mga media sa atin. Dagdag pa
nila na madali lang naman ang mga Sudani magpatawad, just say Malesh (Sorry from your
heart) at mapapatawad ka na.
Sa mga nagbasa, subukan nyong ilagay ang sarili sa sitwasyon ng pamilya ng biktima.
Ano ang mararamdaman nyo? Handa rin ba kayong magpatawad at pagbigyan ng chance
ang taong pumatay ng mahal nyo sa buhay?
Kay Joselito, sya talaga ang dapat unang mag-sisisi bago sya magblame ng kanyang
biktima, embassy or processo. Wala rin silbi kung makipag-usap ang embahada sa
pamilya para sa kapatawaran pero ito namang taong pumatay ang nagmamalinis.
Arabic News :
Ilang araw lang pagkatapos ng mahuli si Joselito ay lumabas na ito kaagad sa
alriyadh na pahayagan.
http://www.alriyadh.com/2009/06/08/article436087.html (Please use google translate)
Pahabol :
In few days, ill post the details and updates ng ibang Qatl (Murder) cases sa thread na ito.
We will post my reactions and my suggestions for each case. Para na rin malaman ng
lahat na may mga naunang cases dito na maapektuhan kung palaging kasinungalingan
ang ipapalabas ng media sa atin. Mga Murder cases na natapos na at malapit ng matapos.
To my fellow ofws na naniwala sa patnubay.com.. Iboycott ang mga news websites
na mali-mali ang pinagsusulat. Hindi sila nakakatulong sa ating mga OFWs.
(Kung ako at ang mga filipinos na kaibigan lang ni Salah ay nasasaktan sa mga
kasinungalingang lumabas sa media sa atin. Ano pa kaya ang nararamdaman
ng kanyang pamilya? Mabuting tao si Salah, hindi fair sa kanya at sa kanyang
family ang mga maling lumabas na balita sa atin. )
For Truth, Fairness and Justice,
Gimboy "Tas" Espiritu
Related Articles
Jamil Mabanto's Case Analysis - (Resolved)
Reactions: RP to repatriate OFW convicted in Saudi - (Must Read)
Articles 210 and 217 (A must read)
Qatl Cases Analysis - by tas espiritu (This is Part I)
The Importance of Kafala Letter and Wakala - must read
Analysis on Death Row Cases in KSA - old article but informative
Pangakong Napako - Joselito Alejo Story