|
Author
|
Topic
|
|
|
ppruel
|
Posted - 02/09/2010 : 8:08:48 PM
Mga Igan, gusto kong sumigaw nguni’t walang lumalabas na boses sa bibig ko. Ang mga mata ko ay natatakpan ng luha at unti-unting nalalaglag. Ang pintig ng puso ko ay parang tambol na dumadagondong. Para akong tuod na nakatayo na hindi makapagsalita at makakilos.
Ang daming maibabalita bakit patungkol pa sa kamatayan ng isang taong nagmahal at nagpahalaga sa buhay at kinabukasan ko. Feb 8, 2010, (kahapon) ipinaalam through text messaging sa akin ng misis ko na “Patay na si Uncle Vic”. Pakiramdam ko po may nakakalso sa lalamunan ko dahil sa sobrang pagkabigla. Ang alam ko may high blood siya. Siya ay galing sa bakasyon last December 2009 at kababalik lang.
Ang tunay niyang pangalan ay Victor Lizardo Jr. ay katulad ko na isang OFW. Siya ang tumulong para marating ko ang Saudi Arabia. Siya ang dating chief accountant ng aming kompanya. Sa taong 1998, lumipat siya sa ibang kompanya at sa Jeddah siya na assigned hanggang ngayon.
Ngayon ang hinahangaan kong Uncle ay wala na. Maagang pinana ni Kupido. Ang kaniyang mga labi ay nasa Jeddah. Ang pangalan ng kompanya ay MARS A et Shipping. Ang kanilang land line tel# ay 26422808 ext# 2245 at wala akong kilalang tao na kasamahan niya sa work. Tinatawagan ko ang kanilang office mula pa kahapon pero walang sumasagot.
Gusto ko lang alamin kung ano ang status ng bangkay - kung ginagawa ba ang obligasyon ng kompanya para sa kanyang pag-uwi? Mga Igan d'yan sa Jeddah please - baka puwede ang tulong ninyo para sa update ng lagay ng bangkay.
Gaano ba katagal ang proseso bago maiuuwi ang bangkay? Anu-ano ang mga dapat ayusin? Ano ang mga obligasyon ng kompanya para sa namatay at sa kaniyang pamilyang naiwan? Ano ang magiging papel ng OWWA, SSS at PhilHealth dito? http://pruelpo.wordpress.com/2010/02/08/kupido-pag-ibig-ba-talaga-ang-dala-mo/
Thank you for your time.
Regards,
Paul Pruel, Riyadh
Paul Odien Pruel
|
|
loaded in 0.438s
|