Patnubay
    
   
Save Password  / Forgot your password?
 
 All Forums
  Xtreme Chat
 The Jhiemel Pacau Story - Miracles do come true
  Printer Friendly Version  
Author Previous Topic Topic Next Topic  
jespiritu
Admin


321 Posts
Posted - 12/09/2009 :  05:05:17 AM

Nakatapos ng 8 chemotherapy si Jhiemel at tuluyang nawala na ang kanyang karamdamang cancer.  Ito ay dahil sa pagmamahal ng kanyang mga magulang na ginawa ang lahat para mabuhay ang kanilang anak; ang mga kababayang tumutulong; at higit sa lahat ang Poong Maykapal.

Nais pasasalamatan ng pamilya Pacau ang lahat ng tumutulong at sa lahat ng nagdasal para kay Jheimel 

Balitang Middle East (Roland Blanco)
Allan group
Al-Yamama Compound led by Mrs. Cadri (Canadian)
Arabic Club of Riyadh
Bautista family of Riyadh
Braza group
Carino Family
Dandasha Shops 1 and 2
Doris Shop
Ed Mendoza of Saudi Hollandi
Elmer Manahan of Al-Khobar
Filipino Bowlers Group in Riyadh (FBGR)
GHLI group
Gie & Bob
GMMI group
Johnson family of Yamama Compound
Jun Libonao and group
King Fahd Endoscopy Unit
Ma’ali Shop
Maali Shop
Macapagal Magalin and family
Marlyn Costuna
Mr. Apriano
Noel Lansangan group
OKs Cargo c/o Tom
Pat Mabanta and Bernard Gapuz group
Philippine Institute of Civil Engineers-Riyadh
R.K.H. Dental
Salvador Bantes of Oman
Second Philippine International School parents, teachers and students
Tamayo group (c/o Mar)
Tomas Lauzon Foundation
At ilang mga Pinoy sa Kuwait at Dubai
Circulo Capizenos
Comsofil officers c/o Marlyn Costuna
Ronan Tiu
IRM Group
Munting Paraiso
MBS Group
FCCR Group
Philip of DHL-Riyadh
Legeralde Family
Cathy and Raul
Filipino employees of Schneider (c/o Rod de Jesus)
JSTM Group (c/o Efren Abancio)
SLCC-Dalah Barakat Optical
Al Khozama Bowling Leagues
UBC Bowling League-Sunday
UBC Bowling League-Monday/SAMA Bowling Group
CFC/SFC
Alcatel-Lucent 

Note: Marami pang nag-paabot ng tulong kena Anjie (Ama ni jhemiel) na hindi pa naisulat dito. Hinintay pa natin yong summary ni Anjie. it will take a little time dahil pag-isaisahin nilang basahin yong mga pangalan ng mga donors na sinulat sa mga maliliit na papel. Nakaka-inspire ang tulongan ng mga kapwa Filipino, ang paggaling ni Jhemiel at wala na ang cancer. May biyaya talaga ang Poong Maykapal kung bawat isa ay magmamalasakit, magbibigayan, magtulongan. Katulad ni Jhemiel na nailigtas ang buhay at kinabukasan.





 



Pananawagan ng Isang Ama

“Jan. 20, 2009

Dear Kabayan,

Ako po si Anjie Pacao, isang OFW na nagtatrabaho sa isang bakery dito sa Riyadh, Saudi Arabia. Gaya po ng maraming OFW ay nakikipagsapalaran sa ibang bansa upang kahit paano ay maidaos ang pangangailan ng pamilya kahit sa kokonting sweldo na pilit nating pinagkakasya. Pinalad po ako na madala ko rin ang aking maybahay at nag-iisang anak na babae dito sa Riyadh na pinag-aaral ko po sa Second Philippine International School (SPIS, 2nd Year High School).

Ngunit sa di-inaasahang pangyayari ay nagkaroon po ng LYMPHOMA ang aking anak. Isang uri ng CANCER, na kung di-agad maaagapan ay hahantong sa kamatayan. Nagsimula lamang po sa pananakit ng tiyan at tuhod ang kanyang naramdaman, dinala po namin siya sa Al-Rajhi clinic para ipacheckup. Matapos ang 3 linggo ay nanilaw naman siya bukod sa pagsumpong ng sakit ng tiyan. Dinala po namin siya sa Obeid Hospital noong Dec. 7, 2008 upang obserbahan at ayun sa findings ng doktor ay meron siyang mass sa pancreas at kailangan ng around 31,000 SR para sa operasyon.

Noong Dec. 19 ay pinagpasyahan po naming iuwi siya sa Pilipinas upang doon kumunsulta at nakumpirma po namin na siya ay may cancer. Sa kasalukuyan, siya po ay nakaconfine sa Chinese General Hospital. Dinala rin po siya sa Philippine Heart Center at pinasukan po siya ng tubo sa katawan upang ang paninilaw sanhi ng vile na kumakalat sa katawan ay mailabas. Under chemotherapy po siya ngayon na nagkakahalaga ng around 125 thousand pesos per chemotherapy na dapat gawin every 3 weeks for 8 months.

Naubos na po lahat ang konti kong ipon at di ko po alam kung saan kukuha ng susunod na pangchemotherapy. Ako po ay kumakatok sa inyong mga puso para sa financial na tulong, nagbabakasakali na makaabot ang email na ito at mayroong maawa. Para po sa inyong tulong, mangyari lamang pong makipagugnayan sa akin sa telepono na nasa baba o kaya ay ipadala sa account ng aking asawa, Melecia D. Pacao, RCBC Head Office Branch Atm acct no. 1-001-77302-6. Pakipasa rin po ng email na ito.

Marami pong salamat and God Bless you all,
Anjie Pacao
KSA - +966551337293
PHIL - +639204732775
PHIL - +639184261808
http://jhiemel.multiply.com
 
1st Week Dec. 2008 - Madalas po sumasakit ang aking tiyan at masakit din ang aking tuhod. Kahit sa aking eskwela pinapasukan SPIS ay inaatake po ako ng sakit. Pinacheckup ako sa Al-Rajhi Clinic, pero hindi pa rin nawala ang madalas na pananakit.

Dec 7 - Namumutla po ako at nanilaw ang aking kulay. Dinala po ako sa Obeid Hospital for further diagnosis. At doon ang findings ay meron po akong mass sa panchreas (tumor o bukol). The recommendation of the doctor is to have endoscopy and have it observe for 3 months kung mag-iimprove ako. Approximate na babayaran ay around 31,000 Saudi Riyal. We've decided to fly back to Philippines and seek opinion of a filipino doctor.

Dec 19 - We arrive in Philippines and went to National Children's Hospital but inerefer po kami sa Chinese General Hospital which is more complete in facilities.

Dec 25 - Naconfine po ako sa Chinese General Hospital,  some blood test and biopsy was made. At nalaman nga po na ako ay my LYMPHOMA cancer. A second opinion was seek from the consultant of Saint Lukes Hospital, dinala po lahat ang specimen. But same findings.

Jan. 7, 2009 - Dinala po ako sa Philippine Heart Center for operation. Para mawala ang aking paninilaw dahil sa vile na kumakalat sa aking katawan dahil nga po sa apektado ang aking vile duct dahil sa bukol sa loob, isang tubo ang ipinasok sa aking katawan to divert the vile outside of my body.

Up to now - Nakaconfine po ako sa Chinese General Hospital dahil nagkaroon ng infection ang aking operation pag-uwi sa bahay kaya ako ay muling naconfine. Undergoing po ako sa chemotherapy.

Jan 28 - Nakalabas po ako mula sa Chinese General Hospital at kasalukuyang nagpapagaling sa bahay dahil malaki na ang aming binayaran sa pagkakaconfine sa hospital. But I have to visit regularly to continuously undergo chemotherapy.

Feb 25 - Responding well with chemotherapy. Please keep supporting

Jump To:


Set as your default homepage Add favorite Privacy Report A Problem/Issue   © 2005 Patnubay All Rights Reserved. MWPX.COM Contact Us Go To Top Of Page

loaded in 1.047s