|
Author
|
Topic
|
|
|
jespiritu
|
Posted - 09/09/2009 : 9:04:45 PM
Backgrounder : Noong 2003, Umalis si Mr. Peter Buch (German) papuntang Germany dahil
may inasikasong papers ng mga properties. Hindi nakabalik si Mr. Buch dahil na heart attack
at na stroke ang kalahating katawan. Wala ng kakayahan na makabalik pa si Mr. Buch sa Saudi
dahil sa kanyang kalagayan. Naiwan ang kanyang Filipinang asawa (Mrs. Paz Buch) at ang
kanilang binatang anak (Peter John). Dahil dependent visa ang hawak ng mag-ina, naging
undocumented sila noong naexpire ang Iqama ni Mr. Peter Buch. Lumapit ang mag-ina sa
ating embahada noong 2003. Walang nangyari.
August 2009, ng lumapit si Mrs. Buch sa patnubay.com at ito ang mga sumunod na kwento.
From: Joseph Henry B. Espiritu
Subject: Case of Buch Family will be finished soon.
To: filembry@sbm.net.sa, Resty dela Fuente
Cc: "rafael seguis", "Roussel Reyes"
Date: Monday, August 17, 2009, 10:31 PM
Mga Ginagalang,
Lumapit po sa amin ang mag-inang Paz at Peter John Buch at hiniling na gabayan sila
sa pagresolba ng kanilang problema; na sa napakahabang panahon na lumapit sila sa
embassy ay wala namang nangyari. Pagkatapos naming mag-usap ay ito po ang naging
action at resulta.
August 8, 2009 - Gather all Supporting Documents
August 9, 2009 - Draft Mrs. Buch Letter to Prince Salman
August 10, 2009 - Brought the Letter and other Documents to Translation Office.
August 11-, 2009 - Got the Documents (already translated to Arabic)
August 14, 2009 - Briefed Mrs. Buch and Peter John kung papano dadalhin ang sulat at
nagbigay ng sketch sa Emara para madali na sa kanila ang pagpunta sa Saturday. We
also advise them to show the Arabic Letter if ever may checkpoint.
August 15, 2009 - Mrs. Buch handed her letter to the Emara, she was entertained well and
was asked to return after two days. The officer in emara gave her their Telephone number
August 17, 2009 - Mrs Buch went back to Emara, the officer gave her a sealed envelope.
Mrs Buch was advised to proceed to Saudi Passport Administration.
Sa Saudi Passport Administration, napirmahan na ng isang signatory yong letter at
papunta na sila sa next step. Dahil hapon na at wala ng oras binigyan ng file number si
Mrs. buch ng naturang ahensya at pabalikin kinabukasan (August 18, 2009). Binigyan din
ng kopya si Mrs. Buch ng sulat (ang laman ng envelope galing sa emara).
Naka-attached po sa email na ito yong still shot ng envelope na galing sa
emara, photocopy ng sulat na laman ng envelope, at yong file number . Naka-attached po
rin dito yong sulat ni Mrs. Buch sa Emara (English).
Requests - Pwede po ba kaming makarequest sa ating ginagalang na embahada kung
ma-sasamahan si Mrs. Buch at Peter John ng isang translator sa deportation?
(This is no different sa story ni Duenas, 22 years na undocumented, after 2 weeks na
nagsulat sya sa emara, hrc at sa hari ay tinawagan na sya ng tarhil. At sa tarhil ay
sinamahan sya ng ating mga taga-embahada. Pwede siguro gawin ulit yon. )
Kindly inform Mrs. buch na kung hindi sila pwedeng mabigyan ng translator para hahanap
na lang kami ng ibang tao na pwede nyang maging translator.
Personal reaction ko sa kaso
Gusto ko lang pong malaman kung ano ba ang hakbang na inyong ginawa at bakit
tumagal ang kaso ng mag-inang Buch?
Nagtataka kasi si Mrs. Buch kung bakit sya nagtagal nang ang embahada ang humawak sa
kanyang kaso. Lalo na dalawang araw lang nang sya ang naglakad sa emara ay may resulta
na.Di pa man tapos, kahit papano hindi natin madeny na malaki ang deperensya
sa dalawang araw kung ikumpara mo sa anim na taon na walang nangyari.
Mga Ginagalang,
Kung may sulat kayo sa Emara, pwede nyo bang bigyan nyan si Mrs. Buch?
Kung may response na ang Emara sa inyo pwede nyo rin po ba syang bigyan ?
Kung may file number kayo sa deportation, pwede nyo rin ba syang bigyan?
Or ganito na lang, sa daming officers na humawak sa kasong ito, from Vice Consul Ady
Cruz, to Congen Padalhin to ...(sino pa ba?).......to Leo Sarit Pwede ba silang
makapag-paliwanag kay Mrs. Buch bakit nagtagal ang kanilang kaso (kung kaso man
ito)? . Gawin lang nila na reference ang 2 days na ginawa ni Mrs. Buch at may resulta.
May nagsabi pa daw na "Mrs Buch, may pera ka ba? hindi kasi kayo legal.. " ...
Sir po, Hindi ko kayo inakusahan pero dapat maexplain nyo ng maayos kung saan
mapupunta ang pera. Magpakita kayo ng documento, wag yong verbal. Pakita kayo ng
procedures na kailangan yong pera.
These embassy officials mentioned ay kailangan magsorry kay Mrs. Buch; para sa hirap
na dinanas nilang mag-ina ng mahabang panahon na hindi naman sana dapat.
I asked Mrs. Buch kung pwede bang ipaalam sa embassy ang result ng mga
nagawa nilang mag-ina sa 2 days na paglakad nila sa Emara. Ang bait ni Mrs. Buch,
pumayag sya na maging transparent sa inyo sa halip na isikreto ito at pagkatapos ay
isigaw sa media..
Kaya sana maging transparent din kayo kay misis Buch. kung may maipakita kayo na
sulat ng emara, or deportation, ipakita nyo rin sa kaniya.
May isang documento pala na galing sa embassy na meron si Mrs. Buch, yong sulat to
SSWA (see attached file) na pirmado ng ginagalang na ambassador. Bakit sa SSWA
naka-address ang sulat at di naman housemaids ang mag-ina lalo na si Peter John?
heto pa, excerpts ng letter nyo to SSWA
"Mr. Buch could no longer return to the kingdom ... ALLEGEDLY due to restrictions "
ALLEGEDLY? that means the one who wrote that letter was not fully convinced? Sino
maniniwala sa letter kung ganun?
Again sa parehong letter ng embassy to SSWA sinabi dito na "Mr. Buch left for Germany
in 2001...." pero ang tama is umalis si Mr. Buch noong January 15, 2003... Evident sa
sulat na ito na hindi navalidate ang kaso nila ni Mr. Buch ng maayos. Imagine sa date ng
pag-alis ni Mr. Buch ay nagkamali pa.
I believe na hindi naman ang ginagalang na ambassador ang gumawa ng letter na yon.
Pero kahit ano pa man kailangan talagang magsorry ang mga officers ng embahada kay
mrs. buch. Lalo na ngayon na alam nya na 2 days lang pala makakuha ng recommendation
sa emara at sana noon pa sila nakauwing mag-ina.
Sana wala ng ganito no? Masakit kasi isipin na may mga taong naghirap na hindi naman
dapat, katulad nina Mrs. Buch..
Maraming Salamat at Gumagalang ng Lubos,
Joseph
http://patnubay.com
PS:
Ginagalang, alam ko na mayabang na naman ang tingin nyo sa akin, magtataas na
naman ang kilay at mamumula na naman sa galit, sabay sabi "wag pupunta yan dito sa
embassy hindi ko sya uurungan.. with matching fighting stance.. I still and
always respect you sir, Please respect this cause that I am fighting for.......
For Truth, Fairness and Justice.... Gimboy "TAS" Espiritu
|
|
jespiritu
|
Posted - 09/09/2009 : 9:05:33 PM
From: Joseph Henry B. Espiritu
Subject: RE : Case of Buch Family will be finished soon.
To: filembry@sbm.net.sa, Resty Dela Fuente
Cc: "rafael seguis" , "Roussel Reyes"
Date: Wednesday, August 19, 2009, 4:30 AM
Dear all,
Before anything else, naka-attached po yong English letter ng ating embada papuntang
SSWA. ito yong letter na ating pinuna sa previous email. Isinama ko pa rin yong Letter
ni Mrs. Buch sa Emara, ang mga stillshots ng recommendation letter na tugon emara kay
Mrs Buch, yong envelope at yong file number sa deportation .
For the Record
Mrs. Buch told me na tinawagan daw sya ni Vice Consul Sarit at nagdadakdak. Hindi na
lang kumibo si Mrs. Buch. I will meet with Mrs. Buch and Peter John tonight at hihingan
ko sila ng written statement kung ano man ang mga sinasabi ni Vice Consul Sarit kay
Mrs. Paz sa Telephone. If maevaluate namin na it was unethical, we will file a complaint
sa Pilipinas.
Pagkatapos naming mag-usap ni Mrs. Buch, tinawagan din ako ni Vice Consul Reyes para
ipaliwanag kung ano man ang information nya na nakuha about sa kaso. Vice Consul
Reyes did that para depensahan ang embassy, supported ng information nya na nakuha
sa humawak ng kaso ni Mrs. Buch. Sinabi ko kay Vice Consul Reyes, kahit papano
hindi macompare yong 2 days (paglakad ni Mrs Buch sa kaso na may resulta) kumpara
sa 6 years or kahit 1 month lang na walang resulta sa paglakad ng embassy.. Pero maraming
Salamat kay Vice Consul Reyes sa pagpaliwanag pero (as i had told you vice) lalo pong
nadagdagan ang aking mga katanungan. Ang purpose ko sa mga katunungang iyon ay
para macorrect kung mayroon man tayong pagkakamali. Second dahil sinabi ni
Vice Consul Reyes na sasagot si Vice Consul Sarit sa email ko at para one time lang,
sagutin na lang din ang email na ito.
Noong 2003 -
Ano ang ginawa ng embahada noong time na hinawakan ang kasong ito ni Vice Consul
Ady Cruz? ( We need reports at hindi yong verbal na communications.)
Nakausap ba ng embahada ang employer ? May problema ba sa employer ?
(We need reports or documents)
Ano ang sunod na ginawang hakbang ? Sa emara, deportation, or sa saudi labor ba ?
(Please show to Mrs. Buch the documents ng inyong communication between the embassy
and these government agencies mentioned.)
Sinabi naman daw nila kay Mrs. Buch noon na kailangan daw magbayad ng penalty.
Para saan ang penalty ? Sino ang nagsabi na kailangang magbayad ng penalty ?
Magkano ang penalty ? Hindi ba pwede ang embassy ang magbayad kung mayroon
mang penalty?
Kung mayroon mang penalty sa Iqama, para sa ilang offences ba (number of years)?
Papano ang computation ng penalty based sa number of offences?
Ang dependent ba na naiwan at walang trabaho ay sisingilin pa ba ng penalty dahil hindi
nakabalik ang kanyang asawa?
Di ba dapat ang Iqama holder lang ang singilin ng penalty, or yong kanyang sponsor?
Kung may penalty man do you still ask a distress ng 6 years to pay for the penalty?
Sabi ni Vice Consul, Reyes na Noong 2006, after three years daw na lumapit si Mrs. Buch
sa embahada, kasama daw sana si Mrs. Buch sa clemency noong pumunta dito si PGMA.
At si Mrs. Buch naman daw ang ayaw dahil gusto nya pang matapos ang pag-aaral ng
kanyang anak dito.
Do you have an undertaking na pinirmahan ni Mrs. Buch na ayaw nyang umuwi ?
Hindi kasi kapani-paniwala na yong naghintay ng tatlong taon (2003-2006) ay bibitawan
ang opportunity ng pag-uwi; pwede naman ipagpatuloy ang pag-aaral ng anak ni Mrs. Buch
sa Pilipinas.. (Sensya na ayoko kasi ng sabi-sabi lang gusto ko may maipakita kayo na may
undertaking si Mrs Buch)
May mga documento ba kayo, travel documents, or lists kung saan nakasama si Mrs.
buch sa listahan ng nabigyan sana ng clemency ? Naipakita nyo ba ang dokumento at
listahang ito sa kanya?
Kinausap ba kayo ni Mrs. Buch at sinabi nya na ayaw nyang umuwi dahil gusto nya
tapusin pa ang pag-aaral ng kanyang anak?
Walang naalala si Mrs Buch na ganun, ang sinabi nya daw na "Sana pagdating clemency
ay tapos na rin ang pag-aral ng anak ko. Pero kung may clemency na ay uuwi na kami.. "
at hindi na sya nainform mula noon, hanggang sa nalaman nya na may clemency na pala
at hindi sya nakasama..
And then nagsulat ng letter ang embassy to sswa (na pinuna ko sa previous email at
dapat yong aking katanungan ay dapat nyo pa ring sagutin.)
Sabi last April, lumapit daw si Mrs. Buch at kinuha ang document dahil may tutulong na
General.
Nakaapekto ba ito sa inyong pagprocess sa kanyang kaso ? Wala ba kayong
photocopy ?
Sabi maiprocess na sana kung hindi lang kinuha ni Mrs. Buch yong documents at ibigay
kung kaninong General.
Hindi nyo ba nakuha ang ibig sabihin noon ? Nasa inyo na at kinuha ang papers
dahil nawalan ng pag-asa, nawalan ng tiwala sa puro lip service ninyo at ang pagiging
hindi transparent.
Sabihin na natin na wala kayong photocopy ng mga documents na yon, ilang araw ba
bago bumalik si Mrs. Buch sa inyo?
Sabi ni Mrs. Buch binalik nya naman daw kaagad at noong last April 2009, ilang araw
lang daw after nya ito kinuha.
nagsulat daw si Vice Consul Sarit sa Emara noong May 2009..
May sagot ba ang Emara ? Naiforward ba kaagad ito sa deportation ? Kailan ?
Kung meron, sinabi nyo ba yan kay Mrs. Buch?
Totoo ba na sinabi nyo kay Mrs. Buch na "Mrs Buch may pera ka ba ? Ganito kasi hindi
kasi kayo legal.)
Wala ngang pera dahil nakitira lang eh, walang permanenteng work... besides 6 years na
kaya itong lumapit sa embahada.
Kung sakali kailangan ng pera, hindi ba pwede embassy ang magshoulder nito ?
Hindi nyo masisisi si Mrs. Buch kung lalapit sa iba dahil sa tagal ng panahon at hindi nya
alam kung may ginawa or may gagawin ba kayo. Bawat kausap ni Mrs. Buch pera lang
ang narinig nya at hindi alam kung ano ang magigign direction sa kanyang kaso.
hindi nyo naman sya na-empower at hindi nyo naman pinaalam sa kanya ang proceso.
Hindi nyo ba naramdaman ang pagod ng tao na pabalik-balik sa embassy? Ang gastus
sa pagtawag para magfollow-up sa status ng kanilang kaso?
Yong bata, si Peter John matagal ng sinabi sa kanyang ina na magbackdoor na lang
daw sya. Or magpahuli na lang ng pulis.. Pinigilan lang ang bata ni Mrs. Buch.
Ginagalang, ganon sila kahopeless, dahil walang malinaw na direction ang humawak ng
kanilang kaso.
Ngayon na nakagawa ng bagay si Mrs. Buch at nagkaroon ng tiwala sa sarili dahil 2 days
lang pala ay may magandang nangyari sa kanya.. at sya mismo ang lumakad..
Hindi ba kayo masaya noon ? Hindi dahil nainsulto kayo.
Ngayon na nakarating na yong papers nya sa deportation, sasabihin nyo rin na nasa
deportation na rin ang files nya.. Take note na ang bench mark natin yong 2 days
at doon tayo magbased kung nagpabaya kayo.
Bakit mo sya pinagalitan Vice Consul Sarit. alam mo ba na pwede marecord yon or
makaspeaker phone na pwede maraming makarinig sa pagtaray mo ?
Mamaya, i will meet them para hingan ng reaction yong nandon noong tumawag ka
kay Mrs. Buch.
Ikagagalak po namin kung masagot nyo lahat ang aming katanungan. ikinalulungkot po
namin na iba ang reaction nyo sa email ko kahapon. Sa halip na titingnan nyo ang
positive aspect. ng malaman na may madali palang paraan.. Sana naintindihan nyo
na ang ang letter na yon ay para maging open sa inyo na handa pa rin makipagparallel sa
inyo si Mrs Buch. Gumawa si Mrs. Buch ng sarili nyang hakbang dahil hindi naman kayo
naging transparent sa kanya.
We decided not to tap any interpreter na from the embassy.. at pahahawakan na namin
sa translator ng human rights dito. Nakakalungkot na isipin na ayaw na sana namin
palakihin ito. Because of your hesitation at gustong tatabunan ang mga pagkukulang
ng ating embahada.. sa halip na atin-atin lang sana ito....
at maraming salamat.
Joseph
PS: Hinintay ko pa rin ang sagot ni Vice Consul Sarit sa aking email ...
|
|
jespiritu
|
Posted - 09/09/2009 : 9:06:12 PM
From: Joseph Henry B. Espiritu
Subject: RE: 3rd Email : Very Discreet : Case of Buch Family
will be finished soon.
To: filembry@sbm.net.sa, "rafael seguis", "Roussel Reyes"
Date: Tuesday, September 1, 2009, 4:46 AM
Dear ATTY Paul Saret
Ito po ay pangatlong email ko sa yo tungkol sa kaso nina
Mrs. Paz Buch at anak na si Peter John.
For the record, wala pa akong natatanggap na sagot mo sa
mga katanungan ko sa nakaraang dalawang emails.
Noong August 23, 2009, sinabi ni Major Aujan ng deportation
kay Mrs. Buch na kausapin si Mr. Rabi ng POLO para patawagin
sa kanya (Major Aujan).
Sinunod ni Mrs Buch ang sabi ng Major at nag-usap sina Rabi
at Major Aujan. Napag-alaman na ang kalinganin na lang na
paper ni Mrs. Buch ay yong guarantee letter ng embahada.
Anong dapat ang content ng guarantee letter ?
1. Na si Peter John ay lehitimong anak nina Mrs. Buch at
Mr. Buch.
2. Na si Peter John ay holder ng Philippine passport at
pwede maging dual citizen (Germany at Philippines)
3. Na parehong may karapatan si Mrs. Buch sa kanyang anak.
4. At hindi magrireklamo si Mr. Buch sa Germany at ito ay
kasalukuyang nasa Nursing Home ng Germany.
5. Ginagarantiya ng embahada na walang magreklamo sa
pag-uwi ni Peter John.
Isang simpleng letter na lang ang hiniling at makauwi
na sina Mrs. Buch at Peter John.
Sa loob lang ng isang linggo ito ang narating ni Mrs. Buch
at nagawa niya ang mga ito:
1. Nagsulat sa emara (see attached letter)
2. kinuha ang recommendation letter ng emara at inihatid sa
deportation. (see attached letter from emara and english
translation)
3. then in one week time, guarantee letter na lang ang
kailanganin, at si Rabi ang kinausap ni Major Aujan.
Di ba sa 2 days na nilakad ni Mrs. Buch ang sariling kaso ay
malayong-malayo na ang narating kumpara sa anim na taon na
naghintay sya ng action sa ating embahada?
August 24, 2009 - pumunta sina Mrs. Buch at Peter John sa
POLO para magmeet kay Rabi.
Inihatid ni Rabi si Mrs. Buch sa embahada at sa palagay ko
ay pinaliwanag sa inyo ni Rabi na guarantee letter na lang
ang hiningi ng deportation.
Umalis si Rabi at kayo na ni Mrs. Buch ang nag-uusap,
according to Mrs. Buch sa halip na yong guarantee letter ang
inyong pag-uusapan ito ang inyong napag-usapan. (at sinabon
mo ulit sya sa opisina mo.)
May pinakita kayong mga papers na nilakad nyo at yong purpose
ni mrs. buch na guarantee letter ay hindi na napag-usapan.
Pinapili mo daw po si mrs. buch kung saan sya; sa naumpisahan nya
or yong sa inyo. Sabi ni Mrs. Buch ay sa inyo pero she was
hoping na ang guarantee letter will be your other option
dahil yon ang pinakamadali.. (ang bunga ng isang linggong paglakad
ni mrs. buch ng kanyang kaso)
Ito po yong ibang nyo daw na napag-usapan.
1. Nagpaliwanag ka daw tungkol sa sulat nyo sa SSWA na pinuna ko sa
naunang email ko sa inyo. (also please check Embassy letter to SSWa)
- sabi mo kayong mga abugado ay gagamit talaga ng word na allegedly,
sabi mo pa nga daw sanay kayo sa mga adverbs.
ATTY kailangan nyo maconvince ang reader at hindi yan sulat para
ipaalam na abugado ka. Who will believe in such letter if you yourself
ay hindi fully convinced?
- sabi ay ginawa nyo yong sulat sa SSWA dahil request ito ni Mrs. Buch."
ATTY You should know better, dahil nilagay ka sa posisyon na yan at
dapat alam mo ang mga procedures dito na mga katulong lang ang pwede
maipasok sa SSWA. Hindi pwede si Mrs. Buch at lalo na si Peter John.
- with regards to the 2001 (sa halip na 2003) na sinulat na taon
ng pag-alis ng husband ni mrs buch to germany. ang sabi mo daw
ay "di ba pinabasa ko naman sa yo mrs. buch at nag-approve
ka naman?"
ATTY you should validate at evaluate first talaga. kahit anong reasons
pa , your letter to SSWA ay hindi tama. Inintindi ko yon dahil
baguhan ka pa lamang at hindi mo pa alam ang proceso dito. at
sana naintindihan mo rin yan. at tanggapin mo ang opinion ko na
yan.
Tapos tinanong nyo naman daw si Mrs. Buch kung bakit sya lumapit kay
Rabi?
- Sir si Major Aujan ang nagsabi kay Mrs. Buch na patawagin
si Rabi sa kanya (Major Aujan). at noong nag-usap sila ay
sinabi ng naturang major na guarantee letter lang ang kailangan
at mapauwi na sina MRs. Buch at Peter John.
Bakit ba parang malaking insulto sa inyo kung lalapit si mrs
buch sa iba? hindi ba sa RA8042 ay dapat magwork as a team
ang lahat ng sangay ng GOs at mga NGOs para malutas ang
problema ng isang OFW?
Nagpaliwanag din daw ang inyong tanggapan tungkol sa pera na palagi
nyong binanggit kay Mrs. Buch. at sabi kung ang iqama ay nasa
computer ay may bayad yon, kung wala at papel lang wala pong
bayad yon.. .. (or vice versa?)
- Unang-una si Mrs. Buch ay hindi Iqama holder at dependent
lang ng Iqama holder (kanyang husband). dahil dito hindi sya ang
kailangan magrenew ng iqama or magbayad ng penalties.
- hindi rin sya blacklisted. bakit kailangan may bayad.?
- payo ko lang sa inyo kung kailangan talaga ng pera at may
maipakita kayo na sulat galing sa jawasat.. then saka pa
kayo magbanggit ng pera-pera..
Heto pa, noong humingi si Mrs. Buch ng kopya ng mga documents
na pinakita nyo sa kanya. ay ayaw nyong magbigay.
bakit ? takot ba kayong busisihin ko? kung wala kayong
tinatago kay Mrs. Buch, bakit kailangan nyong ipagkait ito
sa kanya?
Pasensyahan nyo po. pero isang letter lang ang hiniling
ni Mrs. Buch, isang guarantee letter. ibigay nyo yan sa
kanya at dalhin nya mismo sa deportation. at makauwi na sila.
Yon na lang ang kulang.
Hwag nyo na siyang pahirapan lalo. Maawa naman kayo o.
wag nyo ng subukan na tabunan ang kapabayaan na ito
dahil matagal na itong napabayaan.
One more thing, palagi mong sinasabi kay mrs. buch na
sasagutin mo yong email ko. Hanggang ngayon wala ka
pang sagot sa akin.
Hiniling ko pa rin ang kasagutan mo sa dalawang emails
ko sa baba ATTY.
Maraming salamat po at gumagalang sa yo ATTY.
Joseph
This email thread will be posted in Patnubay.com
PS: Naka-attached dito yong sulat ng emara to deportation. ito ay
tugon sa sulat ni mrs buch kay governor salman .. Naka-attached din
dito yong sulat ng Embassy to SSWA.
Gimboy "TAS" Espiritu
|
|
jespiritu
|
Posted - 09/09/2009 : 9:16:28 PM
Abangan nyo mamaya ang sagot ni vice consul sarit sa baba... itatype ko pa dahil naka pdf file po ito
|
|
jespiritu
|
Posted - 09/09/2009 : 11:02:39 PM
1 September 2009 (date ng pdf file but the email was received on September 3)
Mr. Joseph Henry Espiritu
[XXXXXXXXX@yahoo.com
Ginoong Espiritu
Ito po ay tungkol sa inyong email noong 18 August 209 hinggil
sa repatriation case ng mag-inang Paz at John Peter Buch
Bagamat nakausap ko na si Mrs. Buch noong isang linggo hinggil
dito at sya naman po ay naliwanagan sa detalye ng kanilang kaso
at ang mga hakbangin na Ginagawa ng Embahada, nais pa rin po
naming linawin sa inyo ang mga bagay-bagay tungkol sa usaping
ito para naman po malaman nyo ang buong kwento hinggil dito
at hindi tayo mahantong sa espekulasyon. Sabi pa nga po
"little knowledge is dangerous", kaya kahit ang direktang
partido sa usaping ito ay napaliwanagan na, ito po ay para
na rin sa lahat ng kinauukulan.
Una, lumapit sa Embahada si Mrs. Buch ngayong taon na ito noong
Abril lamang. Kahit naikwento nya na matagal na nilang pinlanong
makauwi sa Pilipinas, sila ay naging seryoso lamang nito nakaraang
Abril, dahil hinintay nyang mag-graduate ng high school itong
anak niyang si John Peter. Kung hindi dito sa layunin nilang
makatapos muna si Peter Johan ng high school ay matagal na sa
sanang nagawan ng hakbang ng ating Embahada para sila'y makauwi
na sa ating bansa.
Pagkatapos nilang lumapit sa Embahada, sumulat kami ng dalawang
liham tungkol sa problema ng mag-ina sa Emuir ng Riyadh at sa
Director ng Deportation na parehas may petsang 3 Mayo 2009.
Bago maipadala ang dalawang liham, nagsabi si Mrs. Buch na hindi
na ito kailangan, kasi may kakilla daw sya na tutulong para
mailapit ang kanilang kaso sa Directo ng SSWA. Ang director daw
ng SSWA ang gagawa ng paraan para mabilis nilang pag-uwi sa
Pilipinas.
Tinanong pa si Mrs. Buch ni Ambassador Villamor kung sigurado sya
sa kanyang ginagawa, dahil itong kaso nila ay nararapat na idulog
sa Governor's Office o kay asa Deportation at hindi sa SSWa.
Iginiit ni Mrs. Buch na yung Direcot ng SSWA ang positibong makakauwi
sa kanila ng maaga sa Pilipinas.
Dahil po dyan nilagdaan ni Ambassador Villamor ang liham na may
petsang 9 May 2009 para sa Director ng SSAW. Bago ito napirmahan,
pinabasa muna kay Mrs. Buch ang liham kung tama ang nilalalman
nito; wala naman po syang sinabi na umalis pala ang asawa nya
sa Saudi noong 2003 at hindi 2001. Tungkol naman po doon sa
katagang "allegedly" o "supposedly" or "purpotedly". Ito po ang
tinuro sa amin sa San Beda at sigurado po akong ganoon din ang
tinuro sa U.P. Law kina Ambassador, kaya po hindi sya tumutol
sa katagang ginamit ko. Kaya lang sabi nga ni Senador Joker Arroyo
nung panahon ng impeachment ni dating Pangulong Estrada, mahirap
magpaliwanag ng legal technicalities sa mga taong hindi
nakapag-aral ng batas.
Makaraan ng ilang linggo, bumalik sa Embahada si Mrs. Buch at
sinabing hindi daw nagawan ng paraan sa SSWA Director ng kanyang
kakilala, kaya kailangan daw nilang lumapit sa isang retired General.
Nang sinabi nya yung pangalan ng retired General, natandaan ko
ito rin yung inireklamo sa akin ng isang kababayan natin na
nilapitan daw nya at binigyan pa ng pera para lang matulongan
silang makauwi, subalit wala ring nangyari. Ang payo ko kaw
Mrs. Buch, mahirap magtiwala dito; mas mabuti pang daanin na lang
nating sa Governor's Office sa Deportation para sigurado.
Sya nama'y pumayag.
Sumulat si Ambassador sa Emir ng Riyadh na may petsang 23, May 2009.
Ito ay na-acknowledge ng Emara noong 2, June 2009. Natanggap naman
ito ng Deportation noong 23, June 2009. Nung nagfollow-up yung
Embahada noong 29 June 2009, sinabi na ang case officer daw ay
nag-bakasyon. Dahil dito, sumulat muli ang Embahada na pirmado ko
noong july direkta sa Deportation para i-follow-up ang kaso.
Itong August, regular na pina-follow-up sa Deportation ang
developments sa kaso. Nung humingi ang Deportation ng Travel
Documents ng mag-ina, kaagad itong inaksyonan ng Embahada at
nag-issue kami ng TDs para sa kanila nuong 12 August 2009.
Ngayon, pina-follow-up natin ng regular sa Deportation ang kaso
at sinisiyasat pa nito ang record ng kanilang Iqama. Hindi lamang
natin masiguro kung hihingan sila ng fine o penalty sa pag-over-stay,
sana naman hindi na. Kung sakali man na ito'y dapat bayaran,
ito po ay opisyal or samakatuwid ito po ay may resibo; hindi po
tayo kailangang mabahala kung saan mapupunta ang pera.
Samakatuwid, yung ginawa po ninyong liham sa Emara ay nagawa na
po ng ating Embahada noong Mayo pa, kaya masakit man pong sabihin,
yung pong hakbang na ginawa ninyo ay inulit lamang yung matagal
na po nating nagawa. Dahil po sa sulat ninyo, nalagay pa sa
alanganin ang imahe ng ating Embahada ng sinabi ninyong wala
kaming ginawa at wala kaming pusong tumulong sa kanila. Ano po
ba ang ang tawag ninyo sa ginagawa namin para tuluyan ng maka-uwi
ang mag-ina?
Sa panghuli, hindi po namin kailangan na magbigay pa ng isang
translator para samahan si Mrs. Buch sa Deportation, kasi nga
po ay sa kasalukuya ito ay ginagawa na. Alam naman po siguro
ninyo kung gaano kadami ang ating mga kaso na inaasikaso dito
sa Embahada kumpara sa mga empleyado nito. Kaya nga po hinid
kami makapag-bigay ng blow-by-blow feedback sa kaso kay Mrs.
Buch dahil na rin sa kakulangan ng empleyado. Subalit hindi
nangangahulugang itoy aming tinutulugan. Ginagawa namin ang
lahat na dpat naming gawin "within our means" at "within the
bounds of law" para matulongan sila at nagbigay po ako ng
positibong updates sa kanya. Maliban dito, hindi mangandang
tingnan sa Embahada na dalawang grupo nito ang lumalakad sa iisa
lamang na kaso; lalabas na para bang hindi alam ng kaliwang
kamay ang ginagawa ng kanan nito.
Inuulit ko na sa kasalukuyan, hininintay na lamang natin ang ang
magiging desisyon ng Governor's office tungkol sa sitwasyon ng
Iqama ng mag-inang Buch. Ito ay isinangguni ng Deportatio kamakalian
lamang sa Governor's Office. Malalaman natin pagkatapos nito
kung kailangan nilang magbyad ng lehitimong penalties o fine dahil
sa pasong Iqama. Kami ay umaasa na pagkatapos nito, mabibigyan na
sila ng kinakailangang exit visa para sa kanilang pag-uwi sa
Pilipinas.
Sana naman po ay naliwanagan na kayo sa buong kwento ng kasong
ito. Huwag po tayong padalos-dalos sa ating hakbangin at sana
naman maging marahan tayo sa atin pananalita kung hindi po natin
alam ang buong pangyayari. Magtulungan po tayo at daanin natin
sa constructive "critisism" ang mga bagay-bagay para lalo nating
mapag-silbihan ang kapakanan ng ating mga kababayan.
Lubos na gumagalang,
Paulo V. Saret
Third Secretary & Vice consul
|
|
jespiritu
|
Posted - 09/09/2009 : 11:04:16 PM
From: Joseph Henry B. Espiritu <jim_espiritu@yahoo.com>
Subject: Answer to VC Saret - Case of Buch Family
To: filembry@sbm.net.sa, "Roussel Reyes", "rafael seguis"
Resty de la Fuente
Date: Friday, September 4, 2009, 2:14 AM
For the record, sumagot si Vice Consul Saret sa ating
email. Naka-pdf po ito kaya ina-attached ko na lang
para mabasa nyo rin. at for the record also nasa baba
naman yong sagot ko sa kanyang email.
To :Vice Consul Paul Saret
Dear Vice Consul Saret
Unang-una nagpapasalamat ako sa pagsagot mo sa aking
email. Unbecoming man ang dating, pinupuri po kita
dahil pinakita mo ang totoo mong pagkatao. Kung ano
man yon bahala na ang magbabasa ng patnubay.com ang
humusga.
Sa paglalakad ni Mrs. Buch ng kanyang sariling kaso,
guarantee letter na lang ang kulang. Guarantee letter
ng embassy na nakasaad na :
1. Na si Peter John ay lehitimong anak ng mag-asawa
2. Na si Peter John ay Filipino at may passport na
filipino
3. at kung sakali magreklamo ang asawa ni Mrs. Buch
ang embassy ang mag-guarantiya na sila ang sasagot.
Sabi ng Major ng Deportation kay MRs. Buch na lapitan
si Rabi. Nagdala pa ito ng note kay Mrs Buch para kay
Rabi. Kinausap si Rabi ni Major Aujan ng deportation at
sinabihan sya na Guarantee letter na lang ang kailangan.
Pumunta si Mrs. Buch dyan sa Embahada para kukuha
ng guarantee letter. Kinausap kayo ni Rabi na yon ang
sinabi ni Major Aujan. Pero hindi nyo ginawa, ininsist nyo
pa rin ang inyong naumpisahan. Sinabon mo na naman
si Mrs. Buch in a closed-door at ang galit mo ay bakit
lumapit sya sa amin.
Bakit nga ba sya lumapit?
Hindi kayo naging transparent kay Mrs. Buch at wala
kayong mga documents na binigay sa kanya.
Dahil nito gumawa si Mrs. Buch ng sariling hakbang.
Lumapit sa amin at pinaliwanagan ko sa batas at proceso,
ang mga kailanganing documento,
1 .kopya ng Iqama ng kanyang husband kung saan nakalagay
doon na silang mag-ina ay dependents.
2. old and new passports - for histories ng exit and
re-entry visas.
3. marriage contract, - nagpatunay na sila ay legal
na kasal
4. birth certificate - nagpatunay na lehitimong anak
si Peter John ng mag-asawang buch.
5. Certifiate from nursing home na nagpapatunay na
wala ng kakayahan ang asawa ni Mrs Buch na makabalik dito.
Ito ay isang document in German Language na pinatranslate
ko pa to English sa isang kaibigang German, saka namin
pinatranslate to ARabic.
6. Naisama din namin dito yong non-sense nyong sulat
to SSWA. Para pagpatunay na lumapit si Mrs. Buch sa
ating Embahada.
Naevaluate namin na napakadali lang ang kaso ni Mrs. Buch
dahil wala naman silang naviolate na laws, legal naman sila
bago nangyari yong hindi inaasahang pangyayari.
Tinulungan namin si Mrs. Buch na magsulat ng kanyang
letter to Emara (see Attached), pinatranslate namin ito
kasama ng iba pang mga documento at dinala nya sa Emara.
2 days lang may sealed envelope na si Mrs. Buch, a
letter (see attached) from Emara to Director of Deportation.
Pinaalam ko sa inyo thru email ang sitwasyon pero
ikinagalit nyo ito, tinawagan mo si Mrs. Buch at sinabon
mo sa telepono. Hindi kumibo si Mrs. Buch dahil submissive
ito na tao at iyakin.
Alam mo, napakahirap para sa akin ng iyakan ng tao lalo
na kung babae at may edad na. Lalo na kung dumanas na
ng tindi ng hirap dahil nawalay sa asawa na may sakit at
di alam kung kailan pa sila magkikita muli.
Pero sa yo, pinairal mo ang ego.. dapat ikakatuwa mo
hindi na lang para kay Mrs. Buch, yon na lang na
may nalaman kang bagong paraan para ihandle ang mga
kaso ng mga "biktima lang ng circumstances" katulad
nina Mrs. Buch at Peter John.
Sabi mo may sulat kayo sa Emara, sa Deportation, may
sagot ang Emara. Naging transparent ba kayo kay Mrs.
Buch? Binigyan nyo ba sya ng kopya ng mga nasabing
documento?
Nagsabi ka rin kay Mrs. Buch na maghanda sya ng pera
(6000SAR) for Iqama penalties and for overstaying.
Ulitin ko si Mrs. Buch ay hindi Iqama holder, ang
husband nya ang may Iqama at dependent lang silang
mag-ina. Kung may penalty man, ito ay dapat sa kanyang
husband lang. Naipaliwanag yan ni Mrs. Buch sa sulat
nya sa Emara. Pinatuyanan yan ni Mrs. Buch sa mga
documents na naisubmit nya sa Emara. Ginawa nyo rin
ba yan sa sulat nyo? Nagbigay ba kayo ng documento kay
Mrs Buch..
Hindi mo alam ang computation ng mga penalties for
Iqamas, Visas, Overstayers, Absconding and Harboring
of Runaways? Sa kagustohan kong ituwid ang mali,
pakidownload na lang ang naka-attached na file
(Immigration laws ng KSA)
Nagsabi kayo kay Mrs. Buch na magprovide ng pictures
for Travel Documents. Namention mo rin ang Travel Documents
sa email mo sa akin .
Bakit hindi passport since active pa ang passport ni
Mrs. Buch? Sabi mo kay Mrs. Buch, ito ay dahil hindi
sila legal. Pero sinubukan nyo ba sa sulat nyo sa
Emara at Deportation na kung pwede ay passport since
hindi naman nila control ang pangyayari? Pwede nyo ba
kaming pakitaan ng kopya ng sulat nyo rin?
Dahil dito malaki ang tsansa na ang proceso na inapply
nyo para sa kaso ni Mrs. Buch ay katulad ng proceso ng
isang kababayan na nabuntis, or may mga anak na hindi
legal.
Kung totoo; hindi kayo gumawa ng maiging evaluation
and validation para sa kaso ni Mrs. Buch. Malinaw yan
sa sa sulat nyo sa SSWA. Ganun din siguro ang content
ng sulat nyo to Emara.
Nakakalungkot na ang kailanganin lang sana ni Mrs.
Buch at Peter John ay Guarantee letter na lang. Hindi nyo
pinakinggan or maibigay dahil sabi nyo may ginawa din
kayo. Hindi nyo matatanggap na mas mabilis ang proceso
na ginawa ng isang OFW katulad ni Mrs. Buch.
Bakit noong time, na lumapit sa SSWA si Mrs. Buch,
and then lumapit pa ng isa daw na General, hindi naman kayo
nagalit? pero noong may linaw ang kanyang nilalakad
ay galit na galit kayo sa kanya. Nakapagtataka di ba?
Kung pinakinggan mo lang sana si Mrs. Buch, may
three options sana kayo
1. to continue with what you are doing - kaso hindi kayo
makapagbigay ng tamang timeline. Depende yan sa
taong naglakad, depende kung ano ang procesong
nilakad nyo.
2. to issue a guarantee letter and assist Mrs. Buch sa
pagprocess ng kanyang documents.
3. to issue a guarantee letter at ipapalabas na you do
option 1.
Kung talagang kapakanan ng tao ang uunahin natin dapat
kalimutan natin ang ego lalo na kung tayo ay mali.
Sabi mo sa email mo sa akin "little knowledge is dangerous".
Exactly, at yan ang favorite expression ng mga taong
walang alam at delikado.
Ano naman ang kinalaman ni Senador Joker Arroyo at
ang impeachment sa issue na ito? Ano naman ang
kinalaman ng pagiging abugado mo from San Beda at
bakit mo dinamay pa si Ambassador Villamor at ang UP-Law
sa mess na ito. Kung pumirma man si Amba dyan, yan ay
dahil sa paniniwala na tama ang ginawa mo.
Inacknowledge ko ang effort mo na tumulong kay Mrs.
Buch kahit hindi ka direktang naka-hit ng target.
Inintindi ko yon dahil isa kang baguhan at wala pang
experience sa proceso at batas dito.
Pero hopeless ako sa klase ng ego mo at sa iyong
pagkunwari na marunong at may alam sa proceso
dito.
Tatandaan nating lahat na "Ang totoong karunungan ay
nag-umpisa sa pag-amin na tayo lahat; ay nag-umpisa
na walang alam."
MAraming Salamat at Gumagalang.
Joseph Henry Espiritu
PS: Nalulungkot ako na sa maganda na pinakita ng Imahe
ng ANS noong wala ka pa ATTY Vice Consul Saret ay
nabahiran ulit ng ganitong problema.
Ang laki ng pinagbago ng ANS sa jail visitation both
for Male and Female cases. At halos 24/7 na assistance
sa mga kababayang distress. Nakakalungkot pero hindi
ko po palalagpasin ang kababawan mo dahil ayoko na
mabalik ulit yong mga problema naming OFWs.
Heto na nga the ANS is on the process of rebuilding
at pagtuwid sa mga mali sa nakaraan; paglinis ng mga
lumang kasong napabayaan ng mga dating may hawak.
Wag mo na pong bulabogin, May tsansa ka pa, try to
accept my emails as a CONSTRUCTIVE CRITICISM
and with a SMILE..
|
|
jespiritu
|
Posted - 03/07/2010 : 10:53:27 PM
March 7, 2010 - Mamayang gabi ang flight nina Mrs Paz Buch at Peter John.
Mabuhay at maraming salamat sa lahat!
Special thanks to the following
Attache Jerome Prias
Attache Ibrahim Zailon
Vice Consul Reyes
Translator Jameel Harris
Thanks for making a DIFFERENCE!
Gimboy "TAS" Espiritu
|
|